Chapter 105

580 28 7
                                    

Kunot-noo niyang sinagot ang tawag ng kanyang ama at bahagyang lumayo sa pinto ng fitting room para hindi marinig ni Scarlet, ayaw niya kasing masira ang masayang mood ng kanyang nobya.

"What do you want, dad?"

Inis niyang bungad sa tawag ni Theon.

"Hello to you too, son."

Agad naman siyang napairap dahil sa sarkastikong tugon nito sa kanya.

"Can't you just get to the point? What do you want?"

Hindi naman agad sumagot si Theon sa kabilang linya, habang si King naman ay sinusulyapan ang dressing room baka kasi biglang lumabas agad si Scarlet at baka rin marinig nito ang pag-uusapan nilang dalawa ng ama niya.

"This is the very last time that I'm going to convince you about our plan, son. This is not all about us anymore, it's about you and Scarlet. We may want to separate the two of you but it's really for your own good."

Hinimas niya ang kanyang noo pagkatapos marinig ang sinasabi ni Theon sa kabilang linya. Naiinis na naman siya kasi ito na naman sila, gagawin ang kanilang makakaya para mapaghiwalay silang dalawa.

Bumuntong-hininga muna siya bago tumugon kay Theon.

"Dad, I am not going to help you with your nonsense plans. I'm not going to allow you to separate me and Scarlet, I've already decided and that's final."

Madiing tugon niya sa kanyang ama.

Walang narinig na tugon si King mula sa kabilang linya, tinignan niya ang kanyang cellphone kasi akala niya binabaan na siya ni Theon pero hindi pala. Saglit na katahimikan ang bumalot sa kabilang linya bago niya narinig ang buntong hininga ng kanyang ama.

"Then you have already decided that you're just going to let Scarlet die because of this curse? Is that your plan and decision, son? You're just going to watch your beloved woman suffers from this curse?"

Agad namang natigilan si King dahil sa mga sinabi ni Theon, sakto namang lumabas si Scarlet sa dressing room na may malawak na ngiti sa kanyang mga labi.

Unti-unting nagsink-in sa isip niya ang mga sinabi ni Theon at napakaraming mga tanong ang pumasok sa kanyang isip.

Hahayaan na nga lang ba niya na mamatay sa kanyang harapan si Scarlet? Hahayaan nalang ba talaga niya na maghirap ito sa sumpa at propesiyang kaya naman niyang pigilan na mangyari?

End of Flashback..

Ngayon nalang ulit siya nakaramdam nang ganitong pagkatakot sa buong buhay niya. Natatakot siya na baka kung ano na ang nangyari kay Scarlet ngayong gabi. Ngunit mas natatakot siya na baka mali ang naging desisyon niya na tuluyang pumayag sa plano nila Christopher at Theon.

Patuloy parin niyang hinahalughog ang buong kagubatan ngunit hindi niya parin mahanap si Scarlet. Huminto siya saglit at tumingin-tingin sa paligid, nagbaba-sakali na may iniwang bakas si Scarlet para mabilis niya itong mahanap ngunit wala talaga siyang makita.

Bigla namang nagdatingan ang mga Royalties sa kanyang pwesto, galing rin sila sa paghahanap kay Scarlet.

"Did you find any traces that could lead us to her whereabouts?"

Seryosong tanong niya kay Lauren ngunit agad siya nitong inilingan.

"We don't. All of us already searched everywhere, but we really can't find her."

Tugon ni Lauren sa kanya.

"I should not have agreed to this stupid plan in the first place!"

Galing na sigaw niya.

"You already agreed, King. You won't be able to retrieve it anymore, everything is already well-planned."

Seryosong wika ni Dustin sa kanya.

Agad naman siyang nilingon ni King na kunot na kunot ang noo. Galit na galit siya ngayon kasi parang pinagsisisihan na niya na pumayag siya sa walang kwentang plano nilang lahat.

"I will never agree if all of you didn't brainwash me! You told me a lot of things that made me say yes to this plan!"

Sigaw niya sa kanilang lahat.

Kumunot naman ang noo ni Kelly dahil sa sinabi ni King. Kahit kailan hindi niya nagawang sagutin si King kasi ginagalang niya ito, ngunit iba ang sitwasyon ngayon.

"Hindi ka namin pinilit na sumama sa planong ito, King. Sinabi lang namin sayo kung ano ang mga dapat mong ma-realize na consequences pero hindi ka namin pinilit na pumayag. But you agreed, right? And you even willingly helped us to carry out this plan."

Seryosong sambit ni Kelly sa kanya habang nakatingin sila sa isa't-isa. Ang mga kasama naman nila ay tahimik lamang na nakikinig.

"I respect you so much, King. But you blaiming us about everything that's currently happening is just so mess up. It's not our fault that you relationship with Scarlet is forbidden and we shouldn't be involving ourselves to your problem in the first place. But look, here we are willing to help you because we're your friends and Scarlet is also our friend."

Pagpapatuloy ni Kelly.

Tahimik lamang silang nakikinig sa mga sinabi niya, ito kasi ang unang beses na magsalita ito ng ganito sa harap ni King. Kahit si Cindy ay hindi magawang asarin ito dahil sa pagiging sobrang seryoso nito ngayon.

"Kelly's right, King. We're willing to help because we are you friends. Hindi rin purket payag kami sa mga plano ni Tito Theon ay ibig sabihin nun ayaw namin sa relasyon niyong dalawa, that's not it. Yes, you can say that we're betraying you because of that, but we are only doing it kasi ayaw naming makitang nahihirapan kayo sa future. Ayaw rin namang mawala si Scarlet kasi kaibigan na rin namin siya, mas lalong ayaw naming masaksihan na mamatay siya, at ayaw na ayaw rin naming makitang mahirapan ka kapag nangyari yun."

Biglang seryosong wika rin ni Cindy.

Pagkatapos magsalita nila Kelly at Cindy, katahimikan ang bumalot sa presensya nilang lahat. Tanging mga huni ng insekto ng gubat lamang ang maririnig sa paligid.

Hindi alam ni King kung ano ang sasabihin niya pagkatapos marinig ang mga sinabi ng dalawa niyang kaibigan. Tama naman kasi silang dalawa, pumayag lang naman sila sa plano ni Theon kasi ayaw nilang mahirapan silang dalawa ni Scarlet. Yun naman talaga ang purpose ng plano ng kanyang ama at ni Christopher noong una palang pero sadyang hindi lang talaga niya matanggap ang mga susunod na mangyayari.

Sino ba namang gustong masaksihan na mamatay ang minamahal niya, diba? Wala namang tao na nasa tamang katinuan ang gugustuhing mangyari yun. Ayaw niya rin namang mangyari yun sa kanilang dalawa ni Scarlet pero masisisi ba siya ng mga tao sa paligid niya kung hindi niya talaga kayang malayo sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya?

Katahimikan parin ang bumabalot sa kanilang lahat hanggang sa makarinig sila ng isang putok ng baril.

"What's that? May mga hunters ba na naggagala dito ng ganitong oras?"

Kunot-noong tanong ni Cindy sa kanilang lahat.

"I don't know, but the sound is not that far."

Tugon ni Lauren sa kanya.

Agad na napatayo ng maayos si King nang bigla nalang siyang may naamoy na isang pamilyar na aroma ng isang dugo sa hangin.

"Scarlet.."

Nanlalaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto niya kung kaninong dugo ang kanyang naaamoy.

"That's Scarlet's blood!"

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon