Chapter 48

7.3K 173 14
                                    

Disclaimer: Kung new readeer ka nitong story ko, basahin mo muna ang Owned By The Vampire King bago mo basahin 'tong Season 2 para hindi ka maguluhan at malito sa mga pangyayari.

— —

Lahat sila ay nakatitig sa biglang pagbukas ng mga mata ni Scarlet. Namamangha sila sa pagkamula ng kanyang mga mata.

 Namamangha sila sa pagkamula ng kanyang mga mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Scarlet."

Pagtawag ni Christopher sa dalaga.

Binalingan siya nang tingin nito, wala itong emosyon sa buong mukha, at hindi rin ito nagsasalita. Pinagtataka na ito nang mga High Council, ni Lauren at Christopher.

Isa-isa silang tinignan ni Scarlet na para bang kinikilala kung sino sila.

"I'm hungry and thirsty."

Tipid na unang sambit ni Scarlet.

"What do you want, princess?"

Agad na tanong ni Christopher sa kanya. Tinignan niya ang kanyang ama ngunit wala paring mga emosyon sa mukha niya.

"I want blood."

Tipid na tugon niya ulit.

Dahan-dahan siyang umupo mula sa kanyang pagkakahiga, tinignan niya ang kanyang mga braso at binti na sobrang puti na. Inabutan naman siya ni Lauren ng isang hand mirror, tinanggap niya ito at tinignan ang kanyang buong mukha mula sa salamin. Tumitig siya sa kanyang mga pulang mata.

"You look so gorgeous, queen."

Pagsambit ni Lauren sa kanya.

Hindi tumugon si Scarlet sa sinabi niya, ibinaba lang nito ang salamin na hawak at tuluyan na siyang tumayo sa kanyang pagkakaupo. Nag-inat siya nang katawan at mulinh tinignan ang mga tao sa loob ng kanyang kwarto.

"Nagugutom ako. Nasan na ang mga dugo na inihanda niyo?"

Malamig at seryoso niyang tanong sa mga High Council.

"Pinakuha na namin sa mga katiwala ang mga dugo na hinanda namin para sayo, queen."

Pagkatapos tumugon ni Mr. Cedrick ay sakto namang pumasok ang ilang katiwala na dala ang mga dugo.

Agad na naramdaman ni Scarlet ang isang matinding panunuyo nang kanyang lalamunan at ang pagkasabik niya sa mga dugo na nasa harapan niya. Paglapag ng mga katiwala ang mga pitsel na may dugo ay mabilis itong nilapitan ni Scarlet, hindi na siya nag-abala pang maglagay sa kopita sapagkat sa pitsel na niya mismo ininom ang mga dugo.

Pinapanood naman siya nila Lauren kung paano niya ubusin ang pitong pitsel na punong-puno nang mga dugo. Hindi makapaniwala si Christopher na ang kanyang nag-iisang anak na babae ay isa ng bampira, nakikita at pinapanood niya ito ngayon kung paano niya ubusin ang tatlong pitsel ng mga dugo.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon