Chapter 50

4.6K 139 3
                                    

This chapter is dedicated to:
NickaDann

Thank you so much for waiting, supporting and loving this story! 💛

— —

"Hindi niyo daw ako papayagang iligtas agad ang mga estudyante na nasa university?!"

Bungad na sigaw ni Scarlet pagpasok niya sa loob ng meeting room ng mga High Council.

"Scarlet, we are currently in the middle of something here."

Kunot-noong wika ni Ms. Laura sa kanya.

Kasalukuyan kasing nasa pagpupulong ang mga High Council kasama pa ang iba pang miyembro ng vampire community ngunit biglang pumasok si Scarlet habang pasigaw na itinanong iyon sa kanila, pero balewala lamang iyon kay Scarlet. Tinignan niya pa isa-isa ang lahat ng nasa loob nitong silid. Wala siyang kilala sa ibang mga tao na nasa loob, maliban lamang sa mga High Council.

Ngunit napatitig siya sa isang ginoo na kunot-noong nakatitig rin sa kanya. Pamilyar ang mukha nito ngunit hindi niya alam kung saan niya ito nakita. Umiwas siya ng tingin sa lalake at muling tinignan ang mga miyembro ng High Council.

"I don't care if you're in the middle of some stupid things! I just want to know why are you res—"

Napahinto siya sa kanyang sinasabi nang hilahin siya ni Lauren mula sa kanyang braso para ilabas siya sa loob ng meeting room. Humingi naman ng pasensya si Lauren sa mga taong nasa loob at sa paggambala nang kanilang pagpupulong.

Galit na galit si Scarlet dahil sa ginawang iyon ni Lauren. Hinintay niya itong lumabas mula sa silid, pagkalabas nito ay agad niyang sinakal si Lauren habang nakasandal ito sa pader.

"Why did you that, huh?! I'm so freakin' mad right now, Lauren! Galit na galit ako sa mga matatandang iyon pero dumagdag ka pa!"

Galit niyang sigaw sa kanyang kaibigan habang mahigpit itong sinasakal sa leeg. Habang si Lauren naman ay nagpupumiglas sa kanyang pagkakahawak, gustuhin man niyang kumawala sa mahigpit na pagkakasal ni Scarlet ay hindi niya magawa. Masyado kasi itong malakas at hindi iyon kaya ng sarili niyang pisikal na lakas.

Maya-maya pa ay binitawan na siya ni Scarlet, bumagsak siya sa sahig habang hawak-hawak ang kanyang leeg. Humihinga siya ng malalim at nanghihina rin siya.

Tinignan niya si Scarlet habang hinahabol parin niya ang kanyang paghinga.

"A-Alam nating.. d-dalawa na galit na g-galit ka, pero dapat h-huminahon ka m-muna kasi hindi m-makakatulong kapag nagpadala ka sa g-galit."

Utal-utal na sambit ni Lauren sa kanyang kaibigan.

"Lauren, wag na dapat tayong magpaligoy-ligoy pa kasi hindi natin alam kung buhay at nahinga pa ba silang lahat sa loob ng university. Sobrang haba na nung panahon na ginugol natin sa paghahanda, ngayon na ang tamang oras para iligtas sila. Kung papatagalin pa natin ito baka wala na tayong maabutang buhay sa mga kamay ni Monica. Hindi mo man lang ba naiisip sina Kevin, Cindy, King at yung iba pang students na nasa mga kamay ni Monica?"

Dahan-dahang tumayo si Lauren at tinignan siya.

"I am also worried about them and their situation, Scarlet. Pero hindi naman pwedeng basta-basta nalang tayo susugod sa university without any concrete plans."

Kunot-noong tugon ni Lauren sa kanya.

"Then we should start planning as soon as possible. Bakit ba kasi ang daming alam nung mga High Council na yan? Kaya kong kontro—"

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon