Chapter 97

453 20 7
                                    

Si Brianna ang naiwang kasama nila Scarlet at Marcus sa clinic ng underground facility nila. Hindi na siya sumama sa kanyang nobyo sa headquarters kasi alam rin niyang kailangan rin siya ngayon ng kaibigan niya. Hinihintay niyang matapos ang pag-uusap ng dalawa sa loob ng clinic para personal niyang makausap si Scarlet.

Ilang minuto pa ang lumipas, dumating na si Scarlet sa silid kung saan siya hinihintay ni Brianna. Hindi pa man nagsasalita si Scarlet, alam na agad nito na mabigat na naman ang iniisip at dinadala nito. At hindi pa man niya malaman kung ano yun, pero parang may kutob na siya kung ano ito.

Tumabi si Scarlet kay Brianna at malakas na bumuntong-hininga.

"Oh? Ang lakas ng buntong-hininga mo ah, what happened sa pag-uusap niyo ni Marcus?"

Bungad na tanong ni Brianna sa kanya.

Bahagya lamang napangiti si Scarlet at nagkibit-balikat sa kanyang tanong.

"I'm confused and hurt at the same time, I don't know why.."

Sinsero niyang sagot kay Brianna.

"It's normal to feel that way, Scarlet. But of course, hindi pwedeng sabay kasi dapat isa lang. I know you know what I mean. You need to weigh down kung sino ba talaga yung nilalaman ng puso at isip mo."

"I know that but I also knew to myself that I love King, I really do."

Malungkot na tugon naman ni Scarlet sa kanya. Ngunit ramdam rin naman ni Brianna ang pag-aalangan nito sa kanyang sarili, para bang hindi siya sure sa kanyang naging sagot.

Hindi rin naman niya masisisi ang kanyang kaibigan kasi si Marcus ang laging nandyan sa tabi nito nung mga panahon na wala si King. Hindi niya iniiwan si Scarlet, kahit na nung mga panahon na naiinis ito sa kanya at tinutulak na siya nito palayo. Talagang nagpursigi si Marcus na makuha ang tiwala ng kanyang kaibigan hanggang unti-unti na nitong masira ang malaki at makapal na pader.

"Pero alam mo rin sa sarili mo na parang hindi ka sigurado dyan sa mga sinabi mo. Alam mo sa sarili mo na iniisip mo rin si Marcus kahit na hindi naman dapat. Scarlet, I'm not going to blame you about what you're currently feeling. I am a witness on how Marcus persuades you back then to gain your trust. Also, how you pushed him away but he didn't stop and just continued persuading you. Whatever your decision may be, I will still be your #1 best friend."

Sinserong wika ni Brianna sa kanyang kaibigan.

Humarap si Brianna kay Scarlet at niyakap niya ito ng mahigpit habang ito'y nakatagilid sa kanya. Bahagya namang napangiti ang isa dahil sa mga sinabi ng kanyang kaibigan.

Lumingon ito kay Brianna ngunit ngayon ay hindi na ito nakangiti pa.

"Bri, answer my question with all honesty. Am I cheating?"

Seryosong tanong ni Scarlet sa kanyang kaibigan.

Dahan-dahan namang kumalas sa pagkakayakap si Brianna kay Scarlet at bahagyang napangiti dahil sa kanyang naging tanong. Napakamot siya sa kanyang ulo at hindi agad nakasagot.

"Emotionally, yes. Sorry.."

Nag-aalangang tugon niya kay Scarlet.

Umiwas siya ng tingin si Scarlet at tumingin na lamang sa kawalan. Hindi niya mapigilang hindi maluha dahil sa guiltiness na nararamdaman niya. Unti-unting tumulo ang kanyang luha na siyang ikinagulat ni Brianna. Ayaw rin naman niyang magsinungaling sa sarili niyang kaibigan, kailangan rin nitong marinig ang katotohanan.

"Then I'm intentionally hurting King.."

Lumuluhang sambit ni Scarlet.

Agad namang napailing si Brianna at niyakap ang kaibigan niyang nagsimula ng lumuha dahil sa nalaman niya sa kanyang sarili. Patuloy lamang na pinapatahan ni Brianna si Scarlet, wala siyang ni isang salita na sinasabi ngayon pero gusto niyang maramdaman ng kaibigan niya na nandito lang siya para sa kanya.

Lumipas ang mga minuto, humiwalay si Scarlet sa pagkakayakap kay Brianna. Inayos niya ang kanyang sarili at pinunasan ang kanyang mga luha. Tinignan niya ang kanyang kaibigan at pilit siyang ngumiti dito.

"Thank you for always being there for me, Bri. Hindi ko ata kakayanin ito mag-isa kung wala ka sa tabi ko para makinig sakin."

"I will always be here for you, Scarlet. Best friends tayo eh."

Nakangiti ring tugon sa kanya ni Brianna.

"So, ano na ang gagawin mong plano ngayon?"

"I need to talk with King. We need to talk about our relationship. I don't want us to continue being like this. Alam mo ba kung nasaan sila ngayon?"

"Let me ask Dustin kung nasan ba sila ngayon, hindi ko rin kasi alam eh."

Kinuha ni Brianna ang kanyang cellphone sa bulsa ng laboratory gown niya at agad na tinawagan si Dustin, ang kanyang nobyo. Agad rin namang sinagot ng binata ang kanyang tawag mula sa kabilang linya.

"Hello babe, nasan kayo?.. Ah, ganun ba?.. Really? Is he okay?.. Hm, I see. I'll see you later, okay?.. Yep, I love you too."

"Nasan daw sila, Bri? Dito lang rin ba sa loob ng university?"

Agad na tanong ni Scarlet kay Brianna pagkatapos nitong tumawag kay Dustin.

"Nasa headquarters daw sila ngayon. I think you really need to talk with him right now and fix things up. Ako na ang magbabantay kay Marcus, kaya don't worry about him. Mas kailangan mo ngayong makausap si King."

Tumayo silang dalawa sa kanilang pagkakaupo. Nakangiting niyakap ni Scarlet si Brianna at ganun rin naman ang ginawa ng isa.

"Thank you so much talaga, Bri. I owe you a lot."

"You're always welcome, Scarlet. You don't owe me anything. Oh siya, puntahan mo na yung hari mo dun. He needs you right now."

Pagkatapos nilang yakapin ang isa't-isa ay agad na umalis si Scarlet sa underground facility para puntahan si King sa kanilang headquarters. Kailangan na kailangan talaga nilang magkausap para ayusin na agad yung gulo at problema na meron sa kanilang relasyon.

Si Brianna naman ay pinuntahan si Marcus na napakinggan lahat ng pinag-usapan nilang dalawa. Hindi na rin naman siya tinanong ni Brianna kung narinig niya ba ang lahat kasi alam naman na niya yun.

"Ano ba kasing nangyayari, Marcus?"

Kunot-noong tanong niya sa binata pagkapasok niya sa silid.

Tinignan siya ni Marcus at napabuntong-hininga na lamang siya bago sinimulang ikwento ang lahat. Hindi naman maiwasan ni Brianna na magulat at malungkot sa kanyang mga narinig at nalaman. Nakakaramdam rin siya ng awa para sa dalawa, lalong-lalo na para kay King.

Pagkadating ni Scarlet sa harap ng pinto nitong headquarters, agad niyang binuksan ang pinto at naabutan niya sa loob ang mga Royalties na tahimik lamang na nasa paligid ni King. Nagtataka silang lahat sa biglaang pagsulpot ni Scarlet, maliban nga lang kay Dustin. Alam kasi niyang kaya siya tinawagan ni Brianna ay dahil sa pupunta si Scarlet kay King para makausap ito.

Gulat na nakatingin si King sa kanyang nobya na hindi niya inaasahang pupuntahan siya nito. Si Scarlet naman ay hindi na maiwasang hindi maluha dahil sa itsura ni King ngayon.

Ang dating malakas at matipunong lalake na kanyang nakilala noon ay nagawang umiyak at lugmok na lugmok ng dahil sa isang babae na katulad niya.

"Love.."

Mahinang sambit ni Scarlet habang sabay-sabay na tumutulo ang kanyang luha at habang nakatitig kay King na unti-unting lumuluha na naman dahil sa presensya ng kanyang pinakamamahal na babae.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon