Chapter 96

422 18 6
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap nina King at Christopher, dumiretso si King sa headquarters nila sa loob ng university. Kahit saan siya tumingin ay nakikita niya sa kanyang isipan ang mga memories na nabuo nilang dalawa sa loob ng simpleng bahay na ito.

Hindi niya namamalayan na isa-isa na palang tumutulo ang kanyang mga luha. Kahit kailan sa buong buhay niya, ngayon lang niya naranasang umiyak ng ganito dahil sa isang babae. Kahit kailan hindi siya naging ganito kay Monica noon, tanging kay Scarlet lamang.

Umupo siya sa sofa at sumandal. Napatingin na lamang siya sa kisame ng bahay at hinayaang tumulo ang kanyang mga luha.

Iniisip palang niya ngayon na kailangan niyang hiwalayan at bitawan ang nag-iisang babae na minamahal niya, parang nasisiraan na siya agad ng pag-iisip at parang literal na nadudurog ang puso niya. Gustuhin man niyang magsisigaw pero hindi niya magawa kasi hinang-hina siya, emotionally at physically.

Kung alam lang niya na ganito rin pala ang mangyayari sa kanilang dalawa sa huli, baka mas gugustuhin nalang niyang hindi nakilala si Scarlet. Pero hindi rin naman siya nagsisisi na nagkakilala silang dalawa kasi para sa kanya si Scarle ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay niya. Hindi siguro niya mararanasan maging masaya kung hindi sa babaeng mahal niya.

Si Scarlet ang natatanging rason kung bakit siya masaya, pero ngayon kailangan niya itong bitawan. Kailangan niyang bitawan ang nag-iisang rason kung bakit siya masaya.

Rinig na rinig sa loob ng headquarters ang bawat hikbi ni King. Wala na siyang pake kung sino man ang makakita at makarinig ng kanyang pag-iyak, sobra siyang nasasaktan at nalulungkot para isipin pa ang mga taong makakakita o makakarinig sa kanya.

Sa labas palang ng headquarters, naririnig na nila Dustin, Lauren, Cindy, at Kelly ang bawat hikbi ni King. Hindi nila maiwasang hindi masaktan at malungkot rin para sa kanilang kaibigan, kasi ngayon lang nila ito nakitang nagkakaganyan dahil sa isang babae. Ngayon lang nila ito nakita na parang wala ng lakas pa, hinang-hina na. Para bang hindi na ito yung dating King na nakilala nila isang daang taon na ang nakakalipas.

Dahan-dahang binuksan ni Dustin ang pinto ng headquarters at isa-isa silang pumasok sa loob. Kahit isa sa kanila ay walang nagsasalita, tahimik lang silang umupo at pumwesto sa harap ni King. Hinayaan lang nila itong umiyak sa harapan nilang apat.

"I love her so much.."

Sambit ni King habang gumagaralgal pa ang kanyang boses dahil sa kanyang pag-iyak.

Wala paring nagsasalita sa kanilang apat, hinahayaan lang nila itong magsalita.

Si Cindy naman ay hindi na mapigilang hindi maluha dahil sa nasasaksihan niyang sitwasyon ni King. Naaawa silang lahat, pero wala silang magawa para sa kanya kasi propesiya ang kalaban nilang lahat.

"The first time I saw her, I knew I'm going to love her with all I am. I already knew I finally found the woman that I'm going to love with all my life. But I guess I was wrong haha.. we're just meant to meet each other, but not to be with each other forever. She's really meant for someone else.."

Sa bawal salitang binibitawan ni King ay kasabay rin ng pagtulo ng kanyang mga luha habang nakatitig parin siya sa kisame ng headquarters nila.

Wala paring gustong magsalita sa kanilang apat, gusto lang nilang marinig ang lahat ng sasabihin ni King. Alam at ramdam kasi nilang matagal na nitong kinikimkim yung sakit at lungkot na nararamdaman niya, alam nilang kailangan lang niya ng mga taong makikinig sa kanya.

"Did you know that I already visioned our future together? But I guess this is just going to remain as a vision, but will never happen. I've never loved anyone the way I loved her. When I said that I will love her forever, that's true. I will always love her even though I need to let her go, even if she's already with someone else."

Pagkatapos magsalita ni King ay hindi na ito muling nasundan pa. Umiyak nalang siya ng umiyak habang tahimik parin silang apat. Sina Cindy at Lauren ay hindi na nila mapigilang umiyak. Nasaksihan nila ang buong love story nila King at Scarlet, lalo na kung paano ito nagsimula at mukhang masasaksihan rin nila kung paano ito magtatapos.

Nilapitan ni Dustin si King at tinapik ito sa balikat.

"Everything happens for a reason, King. Some love stories are not meant to end as a happy ending. Maybe both of you are only meant to meet each other, but not meant to spend your lifetime together."

Seryosong wika ni Dustin sa kanyang kaibigan na hindi parin tumitigil sa pagtulo ang mga luha.

Muling binalot ng katahimikan ang kalagitnaan nilang lahat. Pagkatapos magsalita ni Dustin ay wala ng iba pang nagsalita sa iba. Hinayaan nalang nila ulit na umiyak ng tahimik si King kasi alam nila na sapat na rin na maramdaman nito ang presensya nila.

Maya-maya pa ay tumigil na sa pag-iyak si King, pero nakatulala parin ito sa kisame.

Tumayo naman si Lauren para kuhaan siya ng isang baso ng tubig sa kusina. Nilagay niya sa center table, na nasa tapat ni King, ang basong may tubig.

"So what's your plan, King? Scarlet is still unaware about this prophecy, when are you going to tell her?"

Seryosong tanong ni Lauren sa kanya.

"Lauren, pwede bang wag nalang muna natin pag-usapan yan? Hayaan nalang muna natin si King na makahinga ng unti sa mga isipin."

Kunot-noong wika naman ni Cindy sa kanyang pagtutol sa tanong ni Lauren.

"No. This is the right time to talk about it, Cindy. Malapit na ang midnight ball ni tito Theon, paniguradong may nilulutong plano yung mga yun. Malay natin dun na pala niya ia-announce yung tungkol sa prophecy, edi mas masasaktan si Scarlet kasi siya nalang pala ang walang kaalam-alam sa ating lahat."

Pagtutol rin ni Kelly sa sinabi ni Cindy.

Wala namang nagawa ang isa kundi mapabuntong-hininga nalang. Tama rin naman kasi si Kelly, kapag pinatagal pa nila ito baka magalit sa kanila si Scarlet kasi hindi nila agad sinabi sa kanya ang tungkol dito. Gustuhin man nilang pagpahingain sa mga isipin at problema si King, mukhang hindi pa ata ito ang panahon para dyan.

"When are you going to tell this to her, King? You need to tell her as soon as possible or even before the midnight ball."

Sambit ni King sa kanya.

Pinunasan ni King ang mga luha sa kanyang mata, huminga siya ng malalim, at umayos siya ng pagkakaupo. Tinignan niya sila isa-isa, kahit hindi siya magsalita ay ramdam at kita parin nila ang labis na lungkot na nararamdaman nito.

"I'll talk to her the day before the ball."

Seryosong tugon niya sa kanilang lahat.

Ayaw man niyang gawin, pero kailangan. Gustuhin man niyang ipaglaban ang pagmamahalan nilang dalawa, kaso parehas rin silang masasaktan sa huli. Siguro nga kailangan nalang niyang tanggapin yung tadhana nilang dalawa?

— — —

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon