Chapter 104

627 22 7
                                    

Nang makarating si King sa mesa nilang magkakaibigan, agad niyang nilapitan sina Lauren na nagtataka kung bakit siya biglang sumugod sa pwesto nila.

"Where the heck is Scarlet?! Where is she?!"

Sigaw niya sa lima na ikinagulat naman nila, pati na rin ng mga bisita.

Lumilingon-lingon silang lahat sa paligid nila ngunit hindi nila nakita si Scarlet. Kunot-noo nilang tinignan si King na kasalukuyang nagtitimpi dahil sa galit na kanyang nararamdaman.

"We don't know, King. We didn't even notice that she's gone."

Kunot-noong tugon ni Lauren sa kanya.

"You should have—"

"What? Keep an eye on her? Do you think we already expected that she's going to runaway tonight?"

Inis na tanong ni Lauren sa kanya.

Tama naman kasi siya, lahat sila ay hindi inaasahan na biglang mawawala si Scarlet. Dahil sa nangyayaring eksena sa pwesto ng mga Royalties, agad na naagaw nito ang atensyon ng mga bisita sa paligid nila. Nilapitan naman sila ni Theon dahil sa napansin agad nito ang nangyayaring gulo.

"What's happening here? What is going on?"

Bungad na tanong niya sa kanila habang nakasunod naman sa kanya si Mikaela.

Agad siyang nilingon ni King, galit na galit ang mga mata nito kahit na walang ekspresyon ang kanyang buong mukha.

"Scarlet's gone and this is all your fault. If something happened to her, I'm going to kill you."

Madiing pagbabanta niya sa sarili niyang ama.

Nagulat naman silang lahat dahil sa mga binitawang salita ni King kay Theon. Kahit ang mga Royalties ay hindi inaasahan na kaya nitong pagbantaan ng ganito ang sarili niyang ama sa harap ng maraming tao.

Hindi agad nakasagot si Theon dahil sa kanyang narinig mula kay King. Napansin naman iyon ni Mikaela kaya agad siyang pumagitna sa dalawa at hinarap si King.

"Can you please calm down, Maximus? Maybe she just went to the restroom, stop concluding things. Also, stop saying those things to you father in front of these people."

Mahinahong wika ni Mikaela sa kanya.

Tinignan siya ni King pero ganun parin ang kanyang ekspresyon, mapapansin parin ang galit sa mga mata nito.

"She's not here and I can feel it. If something really happened to her.."

Hindi niya tinapos ang kanyang sinasabi kaya tinalikuran nalang niya sina Mikaela at Theon.

Agad niyang tinahak ang daan papunta sa madilim at maliblib na kagubatan na nagdudugtong sa hardin nila. Tanging liwanag lamang sa bilog na bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw sa kanyang mga daan. Hindi naman problema ang madilim na daan sa kanya kasi nga bampira siya, malinaw ang kanyang paningin sa kadiliman.

Habang tinatahak na ni King ang madilim na kagubatan, naiwan naman ang mga Royalties pati na rin sina Mikaela at Theon.

"Follow him and do everything to stop him. You can go with them, Mikaela. We're not sure if he already changed his mind or not, but whatever happens, we need this plan to succeed."

Seryosong wika ni Theon sa mga Royalties at kay Mikaela.

Tinanguan siya ng mga ito bago tuluyang sundan si King sa kagubatan. Oo, kasabwat ang mga Royalties sa plano na ito. Kasama sila noong panahong pinag-uusapan ang kanilang gagawing eksena sa midnight ball ni Theon. Lahat nang nangyari ngayong gabi ay tumutugma sa mga planong pinag-usapan nila, maliban na lamang sa naging reaksyon ni King. Hindi nila inaasahan na ganun ang magiging reaksyon niya. Bakit?

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon