Chapter 101

454 18 6
                                    

Imbes na magpahatid sa condo niya, nagpahatid si Scarlet sa bahay ni Christopher. Gusto niya kasi itong makausap tungkol sa mga nalaman niya ngayong gabi.

Pagkapasok niya sa bahay ng kanyang ama, agad siyang dumiretso sa opisina nito na hindi man lang kumakatok. Nagulat naman si Christopher sa biglaang pagpasok nito at napansin niya ang pagiging seryoso ni Scarlet.

"What's wrong, ija? Did something happened?"

Nag-aalalang tanong ni Christopher sa kanya.

Hindi naman siya sinagot nito, umupo lamang ito sa single-couch na nasa harap ng office table ng kanyang ama. Tahimik lamang ito habang seryoso ang kanyang mukha. Mas lalo namang nagtaka si Christopher dahil sa ganitong pinapakita ni Scarlet sa kanya ngayon.

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo, umupo siya sa isa pang single-couch, at nag-aalalang kinausap si Scarlet.

"Scarlet, what happened? Answer me. Nag-away ba kayo ni King?"

Bumuntong-hininga si Scarlet at diretsong tumingin sa mga mata ni Christopher.

"Bakit hindi mo sinabi sakin yun, dad? I have the rights to know everything about it because it concerns my whole life."

Kumunot ang noo ni Christopher dahil sa mga sinabi niya. Nung una ay hindi pa niya maintindihan kung anong tinutukoy nito pero agad rin niyang naunawaan kung ano ang mga sinasabi ni Scarlet.

Mas lalo namang kumunot ang kanyang noo dahil sa iniisip niya kung paano nalaman ng kanyang anak ang tungkol sa propesiya. Ngunit isang tao lamang ang pumasok sa kanyang isip na pwedeng-pwedeng sabihin kay Scarlet ang lahat.. walang iba kundi si King.

"Dad! Bakit hindi niyo yun sinabi sakin?! May karapatan akong malaman yun kasi tungkol yun sa buhay ko! Bakit nagawa mong ilihim sakin yung ganung bagay?!"

Naluluha na sunod-sunod na tanong ni Scarlet kay Christopher.

Halo-halo ang kanyang nararamdaman ngayon. Hindi niya alam kung galit ba siya sa kanyang ama o nagtatampo lang kasi nagawa nitong maglihim sa kanya ng ganitong sensitibong bagay. May karapatan siyang malaman ang propesiya kasi patungkol yun sa mga mangyayari sa kanya sa darating na panahon, pati na rin sa relasyon nilang dalawa ni King.

"Who told you that? Tell me, Scarlet."

"It doesn't matter who told me everything about that freakin' prophecy! You should've told me from the very beginning when you found out about it, dad. But you didn't.. you kept it to yourself!"

Lumuluhang sigaw niya kay Christopher na galit sa kanyang boses.

Galit siya sa ginawa ng kanyang ama. Hindi lang naman dahil sa nilihim nito ang tungkol sa propesiya, kundi sa mga pinaplano nito para sa relasyon nilang dalawa ni King.

"Anak, I was planning to tell you about it. I don't have any plans to keep it as a secr—"

"No! I know you'll keep it as a secret until you successful separated me and King from each other. But guess what, I'm not gonna let you do that easily. I am not allowing you to separate me from the person I love the most. Even if it means losing my life in the future."

Madiing wika ni Scarlet sa kanyang ama bago ito tuluyang lisanin ang opisina.

Dumiretso siya sa kanyang kwarto at malakas na sinara ang pinto nito. Agad siyang pumunta sa kanyang kama at doon umiyak nang umiyak. Feeling niya kasi ngayon ay ayaw ni Christopher na maging masaya siya dahil sa mas pinili nitong itago sa kanya ang propesiya at ang plano pa nitong paghiwalayin silang dalawa ni King.

Aware na aware naman siya sa mga nangyari sa buhay nina Christopher at Freia. Alam niya kung ano talaga ang rason ng pagkamatay ng kanyang ina, pero sigurado siya na hindi nag-alinlangan si Freia na piniliin si Christopher kahit na ang kapalit pa nito ay ang sarili niyang buhay. Handa niyang gawin ang ginawa ng kanyang ina, kasi mas gusto niyang maging masaya sa piling ng taong mahal niya sa mga natitirang taon ng kanyang buhay.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon