Chapter 59

3.1K 86 16
                                    

This chapter is dedicated to:
KimRaeMi_0182

Thank you so much for waiting to this new update! 💛

— — —

Pagkatapos ng pagpupulong ng mga Royalties at Nigh Class students ay dumiretso agad sina Scarlet at King sa isang office. Iniwan na nilang dalawa ang mga kasama nila sapagkat kanina pa napapansin ni Scarlet ang pagiging balisa ni King at alam na agad niya ang dahilan kung bakit nagiging ganito ang binata.

Pagpasok nilang dalawa sa opisina ay mabilis na ni-lock ni Scarlet ang pinto para hindi makapasok ang kung sino man. Tinignan niya si King na kasalukuyang nakaupo sa isang sofa, nanghihina na ito at medyo namumutla na. Agad niyang tinanggal ang mga butones ng kanyang suot na damit at nilapitan ang kanyang nobyo na nanghihina na talaga. Umupo siya sa kandungan nito at hinawakan ang mukha. Tinitigan niya ito sa mapupula nitong mga mata at tinanguan.

Nang makita ni King ang pagtango ni Scarlet ay hindi na siya nagdalawang-isip pang hawiin ang damit nito para makita ang maputi at makinis na balat ng dalaga sa bandang leeg niya. Agad na lumabas ang kanyang mga pangil at kinagat ang leeg ni Scarlet. Ininom niya ang dugo ng kanyang nobya na para bang dito na talaga nakadepende ang kanyang buhay, which is totoo naman. Hanggang ngayon ay dumadating parin siya sa matinding pagkauhaw na uhaw at tanging dugo lang talaga ni Scarlet ang nakakatanggal dito.

Hinaplos ni Scarlet ang ulo niya, inilapit ang kanyang bibig sa tenga ni King at bumulong.

"I love you so much, King."

Tumigil si King sa pag-inom ng kanyang dugo at tinitigan siya sa kanyang mapupulang mga mata, habang tumutulo pa ang mga dugo ni Scarlet mula sa mga labi ni King. Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga at nginitian.

"I love you so much too, my queen."

Kumalat ang amoy ng dugo ni Scarlet sa buong Moon Campus at lahat ng bampirang estudyante ay naamoy ang mabango niyang dugo. Hindi naman nagkagulo ang lahat dahil sa hindi naman na amoy dugo ng mortal ang dugo ni Scarlet, sadyang mabango lang ito at kahit na sino ay talagang mahuhumaling sa amoy nito.

Kahit ang mga Royalties ay naamoy rin ang mabangong dugo ni Scarlet habang nasa loob sila ng kanilang classroom.

"Hanggang ngayon pala ay nakakaranas parin ng matinding pagkauhaw si King?"

Nagtatakang tanong ni Cindy sa kanila.

"Hindi na ata yun mawawala pa sa kanya at tanging si Scarlet lang talaga ang makakatanggal nung uhaw na yun."

Kibit-balikat na sagot ni Brianna habang hinahawi at pinaglalaruan ang buhok ni Dustin na kasalukuyang nakahiga ang ulo sa kanyang mga hita.

"It feels like they have this knot that tied them together and no one can ever untie it, that simply means they are meant for each other."

Seryoso at english na pagtugon ni Cindy kay Kelly habang ito naman ay nakatingin sa bintana at pinapanood ang mga estudyanteng naglalakad na para bang napakalalim ng kanyang mga iniisip.

Napatingin ang lahat sa malakas na pagtawa ni Kelly, pati na rin ang mga kasama nilang ibang estudyante na agad na napatingin sa malakas niyang pagtawa.

"Tawang-tawa ka dyan? Baliw ka na?"

Taas-kilay na tanong ni Cindy sa binata na tawang-tawa parin hanggang ngayon habang nakahawak pa sa kanyang tyan at unti nalang ay maluluha na.

"Spokening dollar ka na ah, lumelevel-up ka na."

Mapang-asar na sagot niya kay Cindy habang tumatawa parin. Namula naman ang mga pisngit ni Cindy dahil sa nahihiya siya sa pag-i-english niya kanina. Binato niya ng notebook si Kelly bago tumayo at lumabas ng classroom nila. Tinamaan ng notebook ni Cindy ang mukha ni Kelly kaya napatigil ito sa pagtatawa at nakitang nag-walkout palabas ang dalaga.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon