CHAPTER 3

261 117 4
                                    

Jehridale's POV

"Hindi ko alam kung anong problema mo,pero gusto ko lang linawin sayo na wala akong pakialam kung sino ka at hindi ako interesado na makilala ka,kung sa tingin mo natutuwa ako sa mga taong binabangga ko,pwes pasalamat ka dahil hindi kita binugbog noong nakaharang ka sa dinaraanan ko"

"Ang mga taong nabangga ko, walang chance na makilala ako, tapos gusto mong makilala kita? Pasalamat ka hindi kita binugbog, dahil pag nagkataon patay ka sakin.."

Ang mga salitang iyon..ang biglang nagpakabog ng todo sa dibdib ko. Ngayon lang ako nakatagpo ng kaaway na ganon magsalita..parang hindi siya normal..

Eh ano naman sa akin?!Ang lakas ng loob niya ha! Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na mapapahiya ako sa mabibiktima ko ngayon, halata sa labi ko ang pasa. Ang sakit ng sapak niya!Kung makaasta nga talaga kala mo hindi babae!

Matangkad,medyo bilugan ang mga mata,matangos ang ilong at may maputlang kulay ng labi. Tuwid ang porma ng kilay na aakalain mong galit.Perpekto ang hugis ng pisngi. Ang buhok niya ay hindi masyadong mahaba dahil nakatali,pero masasabi mong maalon ng konti. At ang kutis niya ay hindi pangkaraniwan,oo maputi din ako pero,yung kanya,hindi normal,parang kulang siya sa dugo psh. Masasabi kong simple lang ang mukha niya,pero di ko pa rin siya gusto!

"Bwisit talaga!Bwisit!"singhal ko paglabas ng cr.Nakatingin lang ang dalawang mokong sa akin. Hindi sila nagsasalita pero nakangisi silang nakakaloko.

At itong mga kaibigan ko nakangisi lang? Hindi nag-aalala? What the hell?

"Oh ano?Masaya ba na pinagtripan ka ng pinagtripan mo?"biglang sulpot ni senior Adrian.Tsh.

Sumiring ako sa dalawa"bat nyo kasama yan tsh"

"Dude,yung nakabangga mo kanina,kasama nya nun si bakla,kaibigan yun ni senior adrian, paniguradong makakarating sa kanya yan"paliwanag ni Tim.

"Good luck bro,sermonan time na"banat ni Airon.

"two of you,go back to your classroom,I want to talk to this childish"

Kung makaasta toh akala mo kuya ko tss.

"Bakit mo ba ako gustong makausap ha?para makausap ang mom ko?To deal with her?Alam mo namang hindi niya pakikinggan ang mga sumbong ninyo tsh"sabay irap ko sa kanya. Siniringan nya ako.

"Yeah,such a spoiled brat,kunsabagay kilalang kilala na kita simula nung naging kaibigan ko ang kuya mo,sa tingin mo ba matutuwa siya kapag nalaman tong mga pambubuyo mo?!"

"Para kang si ate Jehnica eh,kung magsiasta kayo parang hindi ko alam ang ginagawa ko,wag kang umasta na parang kuya ko,you are only my senior,the best friend of my brother,and not mine!"

"Tanggap ko naman yan Jehridale,at alam ko wala akong karapatang umasta sayo ng ganito,at alam ko rin ni hindi mo ko kuya dahil simula pa noon ay tanging si Zein lang ang pinakikinggan mo!Pero wala na siya Dale!Sana naman man lang naisip mo yung effort sayo ng ate mo....pinakiusapan ka niya sa akin,pati ng kuya mo..."

"Pwede mo namang kalimutan yun ah,pero kahit anong gawin mo hindi mo matutumbasan si Kuya Zein,basta ito ang tatandaan mo Adrian,wag na wag mo akong pakikialaman sa mga ginagawa ko"yun lang ang iniwan ko na siya.Nakakabadtrip eh.Nagmamagaling akala mo kung sino siya.Pero hindi ko namalayang sinundan niya ako dito sa hagdanan.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon