CHAPTER 36

104 60 17
                                    

CHAPTER 36 CODE NAME: BLACK

Jehridale's POV

"Hi Ate!" masiglang bati ni Aoko sa ate ko. Napagdesisyunan kasi naming dito muna sya dadaan para hindi na ako hassle sa pagsundo sa kaniya. Lalo na at may practice pala si Alimir sa bahay nila.

Napangiwi si Ate at tinanggap ang yakap ni Aoko, " Ang aga ah"

"Magdedate kasi kami ate" nakangiting sagot nya. Hindi ko na narinig ang mga pinaguusapan nila dahil bumalik na muli ako sa kusina. Abala ako sa niluluto kong adobo na may chocolate dito. Hindi ko alam Kung bakit parang inspired pa ako magluto. Ah basta..

Pagkatapos ng ilang minuto ay luto na ito, sinerve ko pa sa table.

"Aba, eh kada linggo nagdedate kayo ah"

"It's just a flue thing ate, kaya wag ka ngang ano dyan" angil ko. Inirapan nya Lang ako at binalingan si Aoko.

"Ano bang nagustuhan mo sa kapatid ko at nagpaligaw ka dyan?! Tingnan mo ugali nyan! Obvious Naman na masama na ugali at bully sya sa school ninyo!"

Tch sisiraan nya Talaga ako?!

"A-Ate?!" sita ko sa kanya. Hindi nya ako pinansin.

"Nagustuhan ko Kay JD? Hmm...siguro ang pagiging sweet nya ganon" halatang napilitan Lang ang sagot nya. Napakagat labi ako.

Anong ibig mong sabihin Aoko? Parang napipilitan ka...

"Sweet? Sweet na Bully?!"

Natatawang aniya ni Jehnica. Hindi ko nagawang barahin si Ate sa harap ni Aoko. Hindi ako kumportable. Nahihiya ako kahit papano kapag kaharap si Aoko. Lalo na't may nangyaring hidwaan kagabi.

"Hehehe, kahit naman ganyan sya, siguro hindi naman sya pure na ganyan talaga, I mean may part sya na nagustuhan ko, kaya ayon" nangingiting Sabi nya.

" Hay nako! Bulag ka lang yata Alomira! Hahahaha!"

"Wag ka naman ganyan kay JD ate haha.."

Pinagkunutan ko sya ng noo. Saktong nagtama ang paningin namin ni Ate.

"Oh nandyan ka pala Jehridale? Bat di mo naman sinabi?" nakangising anito. Sumama ang mukha ko.

Kanina pa ako nandito ni hindi mo napansin? Tch delubyo!!

" Anyway, do you have any ex boyfriend? Kasi imposible namang sa ganda mong yan eh wala kang naging boyfriend ni isa?"

Nawala ang ngiti ni Aoko. Ilang saglit na katahimikan ang namutawi sa amin. Sinamaan ko ng tingin si Ate saka muling bumaling Kay Aoko. Pilit syang ngumiti.

"Wala ate, besides, ayaw ni Dad ng ganon, gusto nya kasi makilala nya muna bago ko--"

Ngumisi ako,"E di Kung ganon pwede mo na akong ipakilala sa dad mo?"

Napamaang si Ate, "Nagbibiro ka Lang diba Jehridale?"

"Tsh, Ate? Kontrabida ka noh?"bulong kong tanong sa kanya."tsaka wala namang masama don, halos mag-iisang buwan na akong nanliligaw sa kanya"

"A-Ano kase..busy sa work si Dad kaya hindi ko alam Dale, pero inform kita if nasabi ko na sa kanya"

"Okay..oh ate, will you please step back na, kasi hindi na ako natutuwa!"

Inirapan lang ako ng ate ko. Inis naman akong sinanggi sya at lumayo. Nagdadabog na ito sa kaartehan.

"Argh! Stupid brother! O sige na umalis na kayo rito at nilalanggam na ako!"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now