CHAPTER 32: THE COLLEGE'S PARTY PART 3

91 63 1
                                    

Thrianne's POV

After na sayaw namin nila Rin ay bumalik na ako sa table nila Josh.

"Ang ganda kanina ni Alomira noh?!" namamanghang tanong ni JOsh sa lahat kaso walang pumansin sa kanya.

Para naman hindi ito mapahira ay tinawanan sya ni Wilson, "Maganda nga sya..kaso napunta sa isang tarantado hahahahahha!"

"Bagay nga sila, sayang, hindi tayo makakasayaw" panghihinayang nasabi ni Crayden. Kasalukuyan silang kumakain ngayon. Tapos na akong kumain kaya naisipan ko na lang na uminom ng tubig.

Bumaling sa akin si Josh, "Uuyy, bat nga pala kayo magkasama ni Shinichi kanina?!"

"Ewan"

"Tsh di ba obvious? Inaya lang naman sya ni Shinichi na makasayaw kanina, alam mo bang puro lait yung sinasabi nila tungkol sa yo? Nabadtrip kaya ako hahahahaha!" si Crayden.

"Oo nga eh! Sinigawan kaya ni Crayden yung mga babae! Bwahahah! Lakas ng tama nila eh, kesyo daw hindi ka daw maganda, tapos sabi nitong isa e ano naman?! At least hindi naman kasing pangit nyo! Bwahaahahahahaha!!!" si Josh.

Napaawang ang labi ko, "Talaga? Sinabi yan ni lider?"

"Oo! At ito pa! Lumapit sa kanila si Mitch tapos pinalapit sila sa Dean! Ang lupet ng impluwensya mo Kilein hahahaha!!" dagdag nya pa. Napangiwi ako.

Si Mitch? Tch..ang taong yun talaga oh oh..tsk tsk

Obviously, kahit ilang weeks lang kaming nagkasama nitong mga ito ay naging malapit na rin ako sa kanila. Napatunayan ko kung gaano sila kasolid sa samahan. Hindi kasi sila yung tipong mga kabanda na kapag galit ang lahat ng tao sa isang kamiyembro nila ay galit na rin ang mga ito sa kanya. Kung may tampuhan man, o galit, kaagad naman nilang sinasabi. Hindi maaaring magtagal ng isang araw o higit pa doon. Sa madaling salita, mature silang mga kabanda, and at the same time, kaibigan.

At hindi sila mga ahas...na kapag may ginawa kang masama ay kakantiin ka na..

Isa pa dito ang kasong kinasangkutan ni Wilson nitong nakaraan, iyon yata ang nagpatibay sa tiwala nila sa akin. Noong una kasi pakiramdam ko parang pinaghihinalaan nila ako. Bukod doon, alam na nila na dati ko nang kasama sina Mitch, Yashiko at si Adrian, pero hindi nila ugaling magkalat ng impormasyon tungkol sa akin.

Nasa gayong sitwasyon kami ng mapansing nawala na si Rin. Hindi ko na sya hinanap pa.

" I hope wala naman sanang mangyaring masama kay Rangovine. She doesn't deserve to be kill..." malungkot na sabi ni Wilson. " well nakita ko sya kanina, ang cute nya ha"

"Oo nga, bagay pala sa kanya yung ganong dress, alam mo type ko ang mga ganong babae, simple pero masasabi mong maganda."

"Lahat naman ng babae type mo Joshua" angil ni Crayden.

"Hindi ah! May pili naman akong standards pagdating sa mga babae"

"Owws? Bat nung isang araw si Tina pa girlfriend mo? Tas ngayon nabalitaan ko na lang si Mina na yung bago mo? Wag ako Josh hahahahahahah!!"

Tsh..mala-Airon ang estilo nitong kupal..

"Anyway, ang ipaplay na lang natin mamaya ay ang nirequest ng lider nila Shinichi, alam mo na, yung nambubully sayo Kilein"

Ngumiwi ako,"Pinaalala mo pa"

"Hahahah! Parang gusto ka pa nyang pahiyain mamaya! Pero kung magagawa mong maperfect yung nirequest sigurado sya ang mapapahiya ulet!"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now