Chapter 12: THE WELCOMING PARTY 2

140 85 1
                                    



Thrianne's POV

Nasa table na kami nila Dimples ng matanawan ko ang paligid ng mansion. Pawang gawa sa Japanese structures ang bahay kaya talagang nakakamangha.

Witwiw-

Ang surprise party nila sa lalaking iyon ay nakakatuwa. Ang mga bisita nila ay nakagown at nakadress sa mga babae,sa mga kalalakihan naman ay nakasuite at nakaamerikana na ewan. Hindi ako maalam sa fashion. Masasabi mong solid talaga kapag may mga kaibigang mayayaman. Nanibugho ako sa naiisip.

"Hoy Kil,tulala ka" anang Yashiko. Black dress ang suot nya samantalang ako ay nakatshirt lang na puti. Aaminin kong nagagandahan sa katabi ko, kaya ng bigyan ako ng nagtatakang tingin ay nag-iwas ako.

"Bakit na naman ba?Asan na si Dimples?" pag-iiba ko ng usapan.

"Nandoon, nakikichismis! Ay teka, kanina pa kita tinitingnan, nakatingin ka don sa lalaking may birthday,in fairness, gwapo sya, kaso may girlfriend din yata"

"Eh ano ngayon?"

"Type mo no?Yiee-" tutuksuhin pa sana nya ako kaso binigyan ko sya ng pagkasama-samang tingin. Ngumuso syang inalis ang hintuturo sa beywang ko.

"Gago hindi, may naaalala lang ako"

"Ahh,akala ko taksil ka na eh"

Taksil? Napailing ako,"Pfft hahahahaha!Ano bang sinasabi mo dyan?"

"Malay ko bang dahil hindi ko inimbitahan si Rangovine ay nakatulala ka lang,nagtatampo ka yata"

Ngumiwi ako sa sinabi nya. Sinuyod ng paningin ko ang paligid ng mahagip si Hades, na kasama ang kaibigan nya. Sumama ang timpla ng gabi ko, ano bang aasahan ko? Ang lalaking iyon na may birthday ay kaibigan ng demonyo.

"Oh ngayon sumama naman ang mukha mo,kilala kita Kil,kapag ganyan ka may nakita kang hindi maganda"

"Buti alam mo"

"Sino naman yan?"

"Sino pa ba? E di si Hades tch" asik ko.

"ahh-"

"Thrianne!!!" umalingawngaw ang sigaw ng boses ni Orange.Inimbitahan ko din sya at lingid iyon sa kaalaman ni Yashiko.

"Bat mo sinama yun?" bulong niya sakin.Pigil ang tawa ko sa reaksyon nya. Nakangiting lumapit sa amin ang abnoy at siniringan nya si Yashi.

"Ay bakit?Masama ba?! Ayaw mo lang akong Makita e!"

"Tse!Traydor ka Kil!I hate you!" kasabay nun ay humalukikip sya. Pigil ang tawa ko sa kanya.

"I hate you too tsk" bulong ko.

Naupo si Orange sa tabi ko. Tuloy tuloy ang bangayan ng dalawa. Hindi pa bumabalik dito si Dimples kaya tatayo na sana ako ng masulyapan ko si Hades. Nagtama ang paningin namin.

"Hi Thrianne! Hala buti naman at nandito kayo! My god Rangie!Ang ganda mo ngayon!" anang Pringles. Nakatuxedo sya at kasama syempre si Allison. Nahinto ako dahil talagang nangingibabaw din ang ganda nya.

"Truelalu! You're so beautiful na! Waah!" kinikilig na aniya Ali.

"Thank you AlI! Ang ganda mo rin ngayon ah!"

"Wow!Hindi nyo man lang ako binati?! Nakakaloka kayo ah! Nakatuxedo ako oh! Mga gaga kayo!" pagmamaktol ng bakla. Inismiran nya ang dalawa at maarteng umupo katabi ko.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now