CHAPTER 7

167 98 1
                                    

CHAPTER 7

Allison's POV

Huwebes

Inihatid ako ni Dad sa school.Nakakabigla yun kase busy sya lagi, pero naihatid pa nya ako ngayon. Naabutan ko si Pringles na naghihintay sa hallway.

"Good morning!"

"Good morning din! Oh sinong naghatid sayo? Si Kuya Ernie ba?!" kilig na tanong nya. Crush kase nitong baklang ito ang driver namin.

"Ay hindi eh, si Daddy ang naghatid sa akin ngayon. By the way nakuha mo na ba yung cellphone number ni Senior?"

"Oo naman! Naku umagang umaga si Prince Charming na agad ang hinahanap mo ha?! Teka? Wag mong sabihin na kukunin mo din ang number nya?!"

"Ingay mo bakla! Malamang hindi na, kontento na ko na makita ko sya no hahaha!"

"Infairness, blooming ang lolo mo, naabutan ko silang magkausap ni Shana! Abot- langit ang ngiti! Hahaha!"

Nalungkot ako bigla sa sinabi nya.

"A-Ay sorry teh, hindi ko na nasabi sayo, nung pag-akyat natin sa room diba nagpaalam ako na bababa, tapos sinilip ko ang future mo, ayun, nahuli ko sila. Hay nako, wag mo na lang kase ipagpilitan! Wala kang mahihita!"

"Alam ko yun! Pero kase, matagal ko na syang gusto! Alam kong wala akong mapapala sa kanya, ah basta! Bahala na nga! Pasok na tayo!" pilit na ngiti ko ang iginawad sa bakla para hindi na sya mag-unsyami.

Habang naglalakad kami ay nandun ang mga echapwerang nasa daanan.Wala ako sa mood para makipagaway ngayon. Iniiwasan ko na ang gulo.

"Ang daming ganap kahapon teh! Yung eksena ng Thrianne! Mala- Bruce Lee ang sapak! Haha! Akala ko nga rematch nila yung pagkikita nila sa canteen, buti na lang hindi, kinabahan kaya ako!"

"Ewan ko lang, pero, may pakiramdam ako na gagamitan na ng pwersa ni Jehri yun, mukhang hindi uurong si Thri, kahapon nga din diba nasiringan si Prof?"

"Ah oo! Sigurado--"

Natigilan si Pringles dahil makakasalubong naming sila Thrianne. Ang babaeng ito talaga, dedma na kung dedma!

"Goodmorning senyo!"

"Goodmorning din Blacklady este Rangovine!" pangeechapwera pa ng baklang ito. Sabay sabay na kaming pumunta muna sa locker room. First period kase ngayon ng Law Subject, nasa locker room naming nilalagay ang mga libro namin para hindi kami mabigatan.

"Grabe ka naman sa akin bakla, di ba pwedeng ganda na lang?!"

"Pfft" pigil na Singhal ni Thrianne.

Nilingunan ko sya,"Ahm...Thrianne?"

"Hmm?"

"Ang haba ng name mo, may nickname ka ba?"

"Marami"

"Like what?"

"Basta marami"

Ah, naikwento sa akin ni Rangovine kailangan kapag kausap ko ang babaeng ito ay mahaba habang pasensya ang ibabaon ko.

"Hm...what if Lein?"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin