Orange's POV
Friday
Nasa bahay kami habang inaayos ang pagkain sa mesa. Nagbabasa si Thrianne ng libro, kagabi ko pa napapansin ang pananahimik nya. Nawala ang pamumutla nya dahil sa nangyari. Pag nalaman ni Rin na wala sya sa bahay nito siguradong ako ang hahanapan non. Nilapag ko ang kamote nya sa mesa at gatas.
"Oy teh!"
"Hmm?" ungot nya. At dahil maasar ko lang sya sakaling ungkatin ko yung kahapon, iibahin ko na lang ang usapan.
"Naalala mo ba yung lalaking kinekwento ko sayo kagabi? Yung antipatiko?"
"Hindi" diretso nyang sagot. Well ano pa nga bang aasahan sa isang Thrianne, isang walang kwentang kausap.
"Kilala mo naman siguro yung si Jehridale diba?"
"Oo"
"Yung kasama nya! Kilala mo?! Alam mo bang may nangyari sa akin kagabi? Naiinis ako!"
"Sino ba yun?"
"Nakikinig ka ba sa akin kagabi?! Hatinggabi na ko nakauwi! Nandito ka sa sala noon at nagbabasa ng libro! Akala ko ba nakikinig ka!"
"Malay ko ba"
"Ah basta! Bwiset yun eh!"
"Sino nga sa tatlong gunggong na yun? nasa kaliwa ba o kanan--"
"Alam mo? Nakakagago ka kausap! Tangina ah!"
"Ako pa tong gago? Tinatanong kita kung sino, kase hindi mo nililinaw, malay ko ba kung sino sa kanila, hindi ako manghuhula"
"Oo na! Pero ito ah, alam mo hang sinusundan nya ako dito sa village?"
"Oh?" walang interes nyang tugon saka bumaling ulit sa libro."bakit type mo?"
"Kingina mo talaga! Wala kang kwentang kau--!"naputol ang sasabihin ko ng sinalaksak nya ako ng kanin sa bibig.
"Ikain mo na lang yan, tapos ituloy mo na yang kwento mo tsk"
"Nakakainis ka kase e, nagkekwento ako tapos type na agad! Pero ito na talaga, kase nga diba naglalakad ako sa village, nakabangga ko sya, tas iniwan ko sya dahil naiinis ako sa pagmumukha nya! Papunta na ako sa trabaho pero sinusundan pa ako! Tas gusto nya pang malaman pangalan ko! Hindi ko binigay sa kanya, baka mamaya ispiya pala sya nung demonyo!"
"Hahahhahaa!"
"Tapos nagpakilala sya!"
"Anong sabi"
"Airon daw, pangatlong beses ko na syang nakita kahapon! Nakakairita nga eh!"
"Destiny tsk tsk"
"Lintik ng inis ko eh! Gustong gusto ko syang sakalin! Tawag pa sa akin panda?! King inang yan!"
" Eh ano naman kung panda ang tawag sayo?"
"Nakakainis eh!!"
"Gustong gusto mo naman?"
"A-ano?!"
"Aissh! Bahala ka dyan hahaja!"natawa sya,"ang masasabi ko lang, gusto ka nya"
"Ang lakas naman ng tama nya?! Sya magkakagusto sa kin? Sa liit kong toh? Neva!"mas lalong lumakas ang tawa nya. Natigilan sya ng panukso ko syang tiningnan.
"Oh bakit?"
"Uyy! Ikaw ah! Medyo napapadalas na yang tawa mo!"
"OA" mapang-asar nyang ngisi sabay lapag ng libro. Nginusuhan ko sya pero nakuha pa nyang tumingin ng nakangiwi. Akma ko sana syang hahampasin dahil sa inis ko pero nailagan nya pa ako. GRRRRR!!!!
YOU ARE READING
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Mystery / ThrillerKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...