CHAPTER 25

115 68 1
                                    

CHAPTER 25

Jehridale's POV

"Grabe! Bwahahahahhaa! Nakita mo itsura nya Nath?! Mukha syang lumpia kanina bwahahahhaahah!!" halos naninikip na ang tiyan ko sa kakatawa! Hindi maipinta ang mukha ni Killua eh! Hahahaahahhaha!

"Tch, ano namang nakakatawa sa itsura ni K-Kill-teka, bakit Killua eh Athena ang pinangalan mo don? Parang hindi yata bagay ah"

"Killua Zoldyck..hmm" napatikhim si Timrelli saka nag-ayos ng upo."Suits to her, her pale skin, her unidentified reactions, even her killer actions can titled her...hmm...her killer smile—"

Sumama ang mukha ko ng masabi nya ang huli,"A-Anong killer smile killer smile ang pinagsasabi mo Timrelli?!"

"Yeah! I like when she's smiling, honestly, nabihag nya nga itong si Angelic oh" panunukso ni Airon kay Shinichi. Awtomatiko syang napangiti kapag si Killua ang pinaguusapan, eww!!

"Imagine, sa dinami dami ng babae sa campus maliban kay Hanabi si Athena lang ang nakakapagpangiti sa rolled bread na yan, aminin mo nga Shin, may gusto ka na ba kay Athena?"

Tumawa lang ang kinakausap nila. Hindi ko maiwasang mandiri kung paanong kiligin ang lalaking ito. Hindi naman sya ganyan noong si Hanabi pa yata ang gusto nya—

"No, I have no feelings for her" agad na sagot ni Shinichi. "but I like her coolness, her badgirl looks...she's real actually, unlike sa ibang girl na lagi kong nakikita sa campus, hindi lang looks, I like the way she speaks, napakaprangka nya at mabilis uminit ang ulo, parang girl version ni Jehrida—"

'Nooooooooooooooooooo!!!" mabilis na angal ko."wala kaming pagkakapareho shinishi! Squatters sya at walang modo! Wala akong version! Nag-iisa lang ako sa mundo!"

Pumalakpak sa tawa si Natheleo, "pero aminin mo na kaseng nakahanap ka ng katapat mo! Hahahahaha!!"

"Gustong gusto syang mabugbog ni Athena babes eh," natatawang singit ni Airon, napamaang ako sa babes nya," napansin ko nga kapag may ginagawa itong kaibigan natin hindi na nya pinapatulan pa"

"That's maturity," sang-ayon ni Tim,"at iyon ang malaking pagkakaiba ninyo ni Athen—"

"Killuaaaaaaaaaa!!"

"Eh Athena ang gusto naming ipangalan sa kanya eh!"

"Bwahahahahaha!!"

"Mga siraulo kayong lahat!!"

Nagwalk out tuloy ako sa sobrang pagkaasar sa kanila. Hindi ko matanggap na sinabi ni Shinichi. Kung sabihin ko kaya sa mokong na yun ang nasaksihan ko nung Sabado, hindi ko lang alam kung makakatulog pa sya sa gabi!

Inis akong dineretso ang field saka tinungo ang favorite spot ko bukod sa Catio Mania, ang malaking gym ng SMU. Madalas kase ay wala namang tao rito kaya naisipan kong tumambay rito. Pagkabukas ko ng malaking pinto ay nakita ko na naman si Athena!! Hawak hawak nya si Aoko at—

PWERSAHANG ITINULAK SA SAHIG SI AOKO HABANG KAHARAP SI VIANCA!!

Kusang uminit ang init sa ulo! Hindi ko alam kung anong nangyari bago iyon pero hindi ko matanggap na nasaksihan ko pa mismo na itinulak nya ang prinsesa ko!

Kaagad ko syang sinugod! Hinila ko kaagad ang kanyang puting tshirt! 

"Athena!! Bakit mo tinulak si Aoko!!"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now