CHAPTER 98

82 38 3
                                    


CHAPTER 98

Natheleo's POV

"Pocha ang gulo.. " naibulong ko sa sarili, sobrang naguguluhan ako sa nangyayari, bakit ganon?! Bakit ganong na lang kung itrato ni Kilein si Madame Kaiko kanina?! At doon sa mga bodyguards na grabe kung makayuko! Waaaaaaaaaahh! Nababaliw na yata ako Santisima!!!

"Haysh! Hindi ko na talaga ang nangyaari?!"

"Ako din," tila kalmado pa si Tim, "napakalalim ng hinukay natin para malaman kung ano bang nangyayari sa kanila, kahit anong ginawa kong pagobserba ay hindi ko man lang makita kung ano-ano ang koneksyon nila"

"Kung nandito lang sana sila Yashiko at Mitch ay malalaman natin, teka nasaan sila? Hindi ba kasa-kasama sya palagi ng Dean kapag may ganitong okasyon?"

"H-Hindi ko alam...pero palagay ko, lahat ng misteryo sa pagkatao ng babaeng iyon ay ngayong araw na natin malalaman, pucha, ang sakit sakit na ng ulo ko sa kanya!"

"Hmm.." panunukso ni Airon dit. Sinamaan sya nito ng tingin.

"Bakit?! Totoo naman diba! Alam mo napapansin ko kanina ka pa nananahimik ah, ano bang laman ng isip mo at nagkakaganyan ka?!"

"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit parang hindi nila sinabi na pagsalubong pala sa mga taong iyon ang Fencing event?"

Napaisip ako bigla. Oo nga ano. Kahit na anong paliwanag kanina ng ate ni Jehridale ay wala akong mawatasan sa mga iyon. Iniisip ko talaga kung ano silang klaseng tao, kung sila ang pinakamataas ay bakit hindi sila madalas nagpapakilala sa mga pahayagan. Ang weird.

At isa pa sa mga kinatatakutan ko, ang paraan nila ng pagkilos. Madali lang namang obserbahan ang kanilang ginagawang mga kilos at pananalita, kahit may halong pagkasarkastiko ay nahahluan ito ng pag-iingat. Basta kakaiba sila, sa pangkaraniwan.

Sino ba talaga ang mga Kaede? Ano ang pakay nila dito?

Matapos kong makita kung gaano kalaki ang tension na namagitan sa kanila Hindi ko alam kung bakit pero may kutob talaga akong malaki ang gulo na ito.

"Sundan kaya natin?"

"Tara tara"

Nagkagulo na halos lahat ng estudyante sa labas. Ang mga bodyguard ng mga Kaede ay hinarangan ang mga estudyante including sa amin.

"Anak ng!"

"Paraanin ninyo kami! Ano ba!"

"Jehridale hijo" saway sa kanya ng Dad nya. Ngayon ko lang ulit sya nakita. Miminsan lang kasi itong nakakauwi sa Pilipinas dahil kadalasan kasama nito ang Mommy ni Jehridale sa South Korea. Sa totoo lang, ang Dad ni Jehridale ay may lahing Russian, kaya kakaiba ang paraan nito ng pakikisalamuha,

"D-Dad..."

"Kung gusto mong malaman ang totoo, sumunod kayo sa akin"

"Bakit kaya tayo pinasunod dito?"

"Ewan?"

"Diba paakyat ito sa Dean's office?"

"Pasensya na kung huli ko nang sasabihin, kung naguguluhan kayo, ang Fencing event na iyon ay pagsalubong para sa mga Kaede, p-pero hindi nila inaasahan na mas may sorpresa pa sa kanilang pagbabalik"

"Ano hong ibig nyong sabihin?"

"Malalaman na ninyo, once na nakarating na tayo sa ating pupuntahan"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Kde žijí příběhy. Začni objevovat