CHAPTER 63: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 4

103 47 2
                                    

CHAPTER 63

Timrelli's POV

"Okay ka lang ba Timrelli? Kanina ka pa kasi tulala" pag-aalalang tanong ni Allison sa akin. Yeah, I admit it. Hindi maganda ang mood ko at hindi ko alam kung bakit. Siguro, hindi ko lang talaga gustong makapartner ang nililigawan ng kaibigan ko sa history dept.

"A-Ayos l-lang ako.."

"Hmm? Bat nauutal ka pa?"

"Babe? Natural lang na mautal kapag kinakabahan"

"Ohs? Eh kadalasan nga kayong gawing model ng SMU tapos ngayon ka lang kinabahan dyan. Baka naman natatakot kang sitahin kita dahil iba ang makapartner mo. Tss, wag ka nga kasing mag-alala! Ngayong gabi lang naman yan diba?"

"Y-Yes"

"Oh see! Hahahh! Tsk tsk tsk, go babe! Kaya mo yan! Kaya mo yan!"

"Tss, thank you hahaaa" natatawa na lang ako sa itsura ni Allison. May pabanner pa sa pangalan ko at flashlight para daw hindi ko sya makalimutang silipin. Siguradong sya ang may pinakamalakas sumigaw mamaya. Tsk,napakasupportive namang babae ito. Ang swerte swerte ko naman...

"Chavez, be ready na okay?" abiso ni Senior Faol. Tinanguan ko sya at hinarap si Allison.

"O-Okay...ah, babe?"

"Hmm? Maiwan ka muna dito, may pahagis pa kasi sila ng cake eh haahah"

"Okay! Mauna na rin ako sa Law Department, may pinapagawa din kasi samin doon eh"

"Bye babe" hinalikan ko muna sya sa noo bago iniwan. Pinisil ko ang namumula nyang pisngi.

Pagkalabas ko ng camp ay namataan ko ang sobrang daming college students na narito. Grabe, hindi ko ineexpect na dadami sila ng ganito. Kamusta naman kaya sa History Department? Okay lang kaya sila doon?

"Woah! Pare ang gwapo mo ngayon ah!" salubong ni Airon. Ginulo ko ang mahabang buhok nyang nakatali ngayon. Hindi na muna sya kinuhang representative dahil sa condition nya.

"Nababakla ka na naman!"natatawang ani ko.

"Yuck! Dream on dude! There's no way for falling of you! Hahahahahah!!"

"Tch, where's Natheleo? And Shinichi?"

"Nagpeprepare na si Nath, sabi nya mas magiging gwapo daw sya kaysa sa atin, ibang klase na ang hangin nya, lumagpas na ng isang daliri kay Dale hahahahah!!"

"Eh si Shinichi? Pipiliin din ba syang representative?"

"A-Ah hindi daw eh. Pinagbawalan syang sumali sa mga ganon sabi ng mommy nya. Only sa banda na lang at sa atin sya pwede"

"Tsk tsk tsk, kawawa, ay sya, what time na?"

"It's 8:00 pm pa lang bro, nagmamadali ka naman yata?"

"H-Hindi ah! Bat naman ako magmamadali! Tsk, oh bakit ikaw naman yata ang pinagpapawisan? Pagod ka or whatever?"

"Wala, hindi naman, good luck sa inyo ah"

"Oh? Aalis ka ba?"

"H-Hindi naman, just in case lang na may hindi maganda mangyayari, balitaan mo ako okay?"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now