CHAPTER 41

89 52 0
                                    



Jehridale's POV

"Kamusta na nga pala yung laro ninyo ni Jhin? Sinong nanalo sa inyo? Ikaw ba Airon?" bungad na tanong ko kay bihon. Lunchbreak na ngayon at napagpasyahan na naming dito sa Catio Mania na muna kami kakain. Sa totoo lang ay ang mga kaibigan ko ang nakaisip nito. May palagay akong inilalayo nila ako sa Rukawang iyon. Nagulat pa nga ako kaninang umaga dahil hindi naman sila nagalit na sa akin.

"Syempre!" sabat ni Nath, "si Jhin ang nanalo hahahaahha!!"

"Eh? Natalo si Airon ng shokoy na yon? Bakit?"

"Aba ewan ko! Tsaka hindi malabong manalo yun, eh pang international talaga ang level nun eh"

"Kaya nga mayabang!" napasinghal ako. Sinubo ko ang burger na nakalagay sa mesa.

Tinaasan ako ng kilay ni Timrelli, "Nah, he's not rude dude" saka sya bumaling sa hawak nyang baraha.

"Paano mo naman nasabi yan Timrelli?"

"Eh hindi ka naman na bumalik kahapon nung patapos na ang practice ni Airon eh. At isa pa, nalaman namin na kaya ganon ang ugali nun ay dahil wala syang gaanong kaibigan. Isipin mo naman dude, he's a loner, like me before I join this kind of circle, tinanong kasi sya ni Nath about him kung may mga nakalaro na sya sa swimming competition na naging kaibigan nya, sabi nya lahat daw ng taong nakalaban nya ay tingin sa kanya kalaban" mahabang pagpapaliwanag nya. Nagbaba ako ng tingin at napahawak sa baba. Malalim kong pinag-isipan ang bagay na iyon. At sa puntong iyon, nalaman ko lang na medyo kailangan ko na ngang magsimba as Jehnica adviced to me. Ang hirap pala talagang maging judgemental lalo na't hindi ko pa gaanong kilala ang taong yon. Pero hindi ibig sabihin non nakokonsensya ako.

"Kunsabagay. Ano bang malay natin? Kung ang shokoy na iyon ay lapitin ng mga babae ay natitiyak ko namang mas gwapo pa rin ako sa kanya" wala sa sariling nasagot ko. Dahil doon ay natawa ng malakas si Nath. Napangisi naman si Airon samantalang sina Tim at Shin ay pigil ang tawa.

"Iba na talaga ang confidence level mo pre"

"As usual, he is a Callevein bro, don't forget that"

"By the way nagkaayos na ba kayo ng Lolo mo Jehri?" sabat ni Shinichi. Umiling ako.

" Pagkatapos nga nung gabing iyon umalis na sya eh. Hindi ko naman alam kung ano pa ang sasabihin pag nagkaharap na kami ulit. "

"Nako ipapadala ka na nun sa States"

"Arghh! No! I don't like to go to that place! It's quite boring and so much harsh persons that you have to encounter there!"

"Susssss!!! Hindi mo lang talaga kami maiwan iwan! Wala na toh mga pare! Ang lider natin! Hahhahahahahaha!!"
"Mukhang nagkakapalit na kayo ni Natheleo ah!"

"Siraaa!!"

"Hhahahahahahahahahahahaha!!!!!"

"Oy oy! Teka? How about you Timrelli? Where's your babe mushroom?" natatawang tukso ni Airon sa mushroom. Doon na naman lumabas ang tawa nito. Tch bading kung kiligin...

"We're okay naman, no more trouble I guess"

"Owws? Hindi ba banta si Senior Adrian sa relasyon ninyo? Natatandaan pa naman siguro noong last time dba? Nahuli mo silang dalawa eh"

"Sa nakikita ko naman kasi wala naman akong dapat ikaselos don, alam ko namang mahal ako nun eh"

"Asussssssssssss!!!!! Eh paano kung tuluyang nafall in love yung babe mo sa isang yon? Naku po sinasabi ko sayo, kapag ikaw iniwan nyan wag kang mageensayo ng paghawak sa baril ah! Baka mamaya lahat kaming mga kaibigan mo pagpapraktisan mo eh!Hahhahahaha!"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now