CHAPTER 81

80 37 4
                                    

CHAPTER 81

Short message for my precious reader, thank for your unstopping love and support for my fictional character Thrianne Kilein! Hhahaha! Nice may fan na si The Grumpy One! Waa thanks ulit ah! Sana wag kang magsawang basahin ito, malalaman mo kung ano pang mangyayari sa character na 'yon...so heto na--

Thrianne: Napakadaldal ng author, kanina pa ako naiinip putangina.

Author: S-Sorry naman! Oo na oo na! Ayan na oh!

------------------------------------------------------------------------------

Alimir's POV

Another time for my pov tss.

Nang matapos na kaming kumain ng hapunan ni ate ay naupo ako sa sofa at nagsimulang magtype ng kung ano ano sa laptop tungkol sa physics. And speaking Alomira's side, she doesn't want any disturbance for her alone. She didn't by herself, and to be exact she doesn't have to be care.

Habang tinatapos ko ang pageencode ay bigla na lang nagsisigaw si Ate pababa dito sa sala. Bahagya kong ginalaw ang ulo dahil sa kaweirduhan nya ngayon.

"A-Alimir! We have to go to hospital!"

Eh? "Why?!"

"B-Basta! Hurry up!"

"Tss" Singhal ko. Nagmadali nga kaming nagpunta sa ospital sa di malamang dahilan. Badtrip talaga tong si Alomira.

Nang nakarating na kami doon ay naabutan namin ay tatlong tao, 'yong isa ay pamilayar sa akin. Nilapitan ni Ate ang lalaking katabi ng haponesa.

"M-Mitch, where's him?"

Tinuro nya ang room na katapat nya. Hindi ko alam ang nangyayari. Sino ba ang naospital? Bakit kami nandito?

"J-Jemwel, stay there ok?"

"Okay" alanganing sagot ko. Wala na akong nagawa kundi ang sumandal na lang sa pader. Nakahalukipkip akong tumingin sa kwartong iyon kung saan pumasok si Ate.

"Alimir Jemwel right?"

O_O

Napalingon ako sa nagtatanong. Sya yung mukhang hapon na babaeng kasama ni Mitch, hindi ko sya kilala. Pero si Mitch ay pamilyar talaga sa akin. HIndi ko sya sinagot, malay ko ba mamaya stalker sya or someone na may masamang balak. Maigi nang mag-ingat ako. Kahit pa nuknukan sya ng ganda ay hindi sya uubra sa akin.

"Natakot yata sayo Yash" nakangising asik ng kasama nyang babae. Pinagtakhan ko sya. Para syang lalaki umupo, nakatukod ang pareho nyang mga braso sa kanyang binti, at may maangas na ngisi. First time kong makaencounter ng ganong babae.

"Duh, nagtatanong lang naman ako"

"Ayusin mo kasi ang pagtatanong mo"

"Nangangantyaw ka na naman Kil!"

"Hindi ako nangangantyaw baliw" asik pa nito. Hindi ko maintindihan ang ibig nitong sabihin. Kakaiba ang pamamaraan nila ng pag-uusap. Parang may pagkasquatter psh. Pinanonood ko lang ang bawat kilos nila. Hindi ko alam kung bakit parang naninibago ako. Hindi ko kilala ang mga taong ito, saan sila galing? Sino ang mga taong ito? Ano ang relasyon nila kay Jehridale?

"Alimir"

Nag-angat ako ng tingin kay MItch, "Ha?"

"Do you know me?"

Pinagkunutan ko sya ng noo, saka umiling.

"Sabi na eh, ito talagang si pinsan, anyway I'm Maurillde Callevein, but call me Mitch, pinsan ko si Jehridale if you notice" nakangiting pahayag nya. Sabi na nga ba, kaya pala pamilyar sya sa akin dahil may pagkakahawig sya sa Callevein na iyon.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now