CHAPTER 31: THE COLLEGE'S PARTY PART 2

107 63 1
                                    

Thrianne's POV

Matapos ang performance namin kanina ay sumayaw na ulit ang dance group. Kasunod nyon ay ang pag-anunsyo ng mga special guest. Nakikita ko ang pagiging ganado ni Mitch habang inaanunsyo ang loko. Si Rin naman ay parang wala lang sa kanya. Inaasahan ko ng magiging special guest si Mitch dahil sya ang apo ng Dean, pero ang maisama ang masungit na iyon ay hindi ko alam. Nasa likod kami ng backstage habang inaayos ang mga instrument.May mga pumupuri sa akin sa labas pero hindi ko pinapansin. Ang tanging pinapansin ko sa lugar na ito ay ang mga kasama ko.

"That's a great performance Thrianne Kilein!!!!!" naisigaw ni Wilson sa sobrang saya nya. Hindi ko alam kung bakit pero nahawa ako ng kanyang paghanga. Napangisi ako sa kawalan. Nakita kong umalis si Shinichi matapos ang performance na iyon. Sabi nya kasi ay pupuntahan nya muna ang mga kasama nya.

"Grabe grabe! Mukhang binigay mo ang lahat kanina ah!"

"Kakaibang bokalista natin toh Cray! Ang saya nung kanina! Todo sigaw sayo ang mga tao ah!"

"Ibang level! Pang-international na hahahahaa! Nice!"

"A-Ano, hindi ko naman maikakanta yan ng maayos kung hindi dahil sainyo" nangingiti kong saad.

"Sowwwsss! Humble!!!!"

"Meron pa tayong dalawang kantang ipaplay mamaya, be ready guys"

"Okkk!!!"

Pagkatapos niyon ay iniwan na nila ako, at inayos ko na ang gitara at inilagay iyon sa gilid. Nakita kong lumapit si Thraundille.

"You're awesome vocalist baby tsk tsk"

"Bat ka nandito?"

"Wala naman, mabuti naman at kinanta mo yung paborito ni Dean hahaha! Ay wait, mamaya mo ba kakantahin yung nirequest ko?"

"Oo naman, hindi ko inexpect na isa ka sa special guest samantalang professor ka dito"

"Nyah, Don Mauricio invite me to be his special guest tonight with his grandson, it's so nica here pala"

"Ah talaga?"

"Yeah?" nagaalinlangang kibit balikat nya."why do you ask?"

"Hindi kasi halatang nice dito, kita ko naman sa mukha mo"

Nawala ang tipid nyang ngiti at bumalik na naman sa masungit ang itsura nya, na kadalasan ay palagi nang parte ng mukha nya."Hmm...well, I hope everyone will treat you nice tonight, and oh, after this night nga pala, dadaan tayo kila Adrin, may pinapasabi sayo"

"Ok" nakangiti kong sagot.

"You look happy! I'm proud of you!"

"And you look like a mother Rin, don't lend your hands on me" maangas kong babala sa kanyang pagtatangkang yakapin ako. Baka kasi may makakakita sa amin. Wala pa namang ingat ang taong ito.

"Ok ok baby! See you mamaya!"

"Sige"

Pagkaalis ni Rin ay nagaalburuto na ang tiyan ko, kasalanan ko toh eh, sa excite ko pa naman kanina ay nakalimutan kong kumain.

"Kilein, tara doon tayo!" yay ani Josh. Hinila na nya ako. Nandoon kami sa pwestong malapit kila Hades. Nakita kong tumatakbo na naman si Orange papalapit dito.Hay nako..

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now