CHAPTER 22

116 67 3
                                    

Adrian's POV

"Test the students Mr. Rin Mondrallgo," hamon ni Prof. Cieli sa masungit na professopr na kasama ko. Nasa canteen kami ng mga teachers, kanina kase ay may nangyaring hindi maganda sa kanila kaya ganon na lang ang inis ni Professor Cieli sa kanya. Lihim akong nangiti.

"Why should I?' masungit na tanong ni Prof. Rin ng hindi tinitingala ang babae. Kinuha nya ang kape at hinigop iyon. "besides, you're too busy on entertaining outsiders"

Napangat ang labi ni Prof. Cieli," so ganon na lang ba kadali sayong husgahan ang pagiging guro ko sa eskwelahang ito? Kaya mo ko pinahiya at mga estudyante ko din ah,hindi ko alam kung anong problema mo, pero ito tatandaan mo, isa pang pamamahiya mo sa mga estudyanteng tinuturuan ko, makakatikim ka sa akin"

Cool..

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, first time kong matunghayan na isang babae ang nanghamon talaga kay Prof. Thraundille, mukhang masaya toh ah. Pagkasabing iyon ng babae ay tinalikuran nya na kami. Napuno ng bulungan ang paligid. Pagkalingon ko kay Prof. Rin ay padabog nyang nilapag ang mug at napahalukipkip na napakagat labi.

"Astig talaga nya prof no?" natatawang aniya ko. Napakunot noo sya at matalim na tumititig sa akin.

"She's acting like a teenager. Poor woman.." iiling iling nyang wika at saka tumayo na. Napakamot ako sa ulo. Sinundan ko na sya papuntang department nila.

"Binabantayan mo pa rin ba si Thrianne?" saglit akong natigilan sa tanong nya. Naibaba ko ang tingin sa sahig.

"Hindi na masyado..."

Tumango tango sya habang ginagalaw ang swivel chair nya. "We must limit our appearance to her kapag nasa school na ito, just observe Vianca as well" bilin pa nya. Hindi ko malaman kung anong sasabihin. Masyadong nililipad ang isip ko kapag si Kilein na ang pinaguusapan.

"Hoy"

Napalingon kami sa kinaroroonan ng boses na iyon. Si Prof. Ciel..nakataas ang kilay habang nakikipagtitigan sa masungit na propesor.

"yung estudyante mong freshman, nakikipagsuntukan lang naman"

Kapwa kami nagkatinginan ni Prof. Rin. Nagkibit balikat lang sya.

"Ano wala kang gagawin?"

"What should I do? Stop her? Put her in detention facility? Psh"

Pinandilatan sya ng babae," paanong naging guro ka kung wala kang concern sa estudyante mo!"

"Paanong naging guro ka kung maski ako dinededma mo?" panunumbat nya sa babae. Makahulugang tingin ang ipinukol ko sa kanya pero hindi nya ako binalingan. Msyadong tutok sya sa magandang professor na kaharap naming ngayon. Hmm may something...

"W-What do you mean?"

"Tsh, forget it" Singhal nya saka naupo sa swivel chair.

"Hindi mo ba pupuntahan ang freshman na iyon?!"

"Bakit ko gagawin yon?"

"Wala ka talagang pakialam sa lahat no? Oh I forgot that, maarte ka nga pala, ayaw mong madungisan ang maganda mong mga kamay, teka, ano bang gender mo? Lalaki ka ba talaga?" pangiinsulto nya sa lalaki. Pigil lang ang tawa kong pinanonood sila. Daig pa nila ang mga batang nag-aagawan ng laruan sa lansangan. Salubong na ang kilay ni Prof. habang nakatingin na sa kanya.

"You know what? Hindi mo na kailangang problemahin ang ibang tao, hindi mo naman sila kaano-ano ah?"

"Hoy Mister! Baka nakakalimutan mong mga professor tayo—"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now