CHAPTER 68

115 46 2
                                    





Orange's POV

"Tsk, anong gagawin ko dito?" saad ni Mitch. Pinuntahan ko sya kahit masakit ang ulo ko dito sa office ng Lolo nya. May nangyari kasi sa pinsan nya at kailangan nyang tawagin ang ate ni Jehridale.

"Bilisan mo Mitch, magagalit si Thrianne"

"Eh?! Tss, bakit hindi sya ang tumawag? Nakakainis, matapos niyo akong iwan dito makikiusap kayong tawagan si Ate? Alam nyo bang busy akong tao?" pagdadahilan nya. Bumuntong hininga na lamang ako. Hindi ko maaaring sigawan ang lalaking ito dahil sa masakit kong lalamunan.

"Sinong busy?" walang buhay na tanong ni Thrianne habang nakapamulsang tinitigan ang lalaki ng may pagbabanta. Kusang napangiit ng pilit si Mitch.

"H-Hehehe sabi ko nga tatawagan ko eh" takot nya lang sa kanya. Kung nakita nya lang ang ginawa ng babaeng iyon sa dalawang nakamaskara baka lalo syang matakot.

"Teka, bakit nyo nga pala kailangang tawagan ang kapatid ni Jehridale?"

"Bakit ba andami mong tanong?"

"Eh kasi....haysh, bahala na nga oh ito! Ikaw na tumawag!" abot nya ng cellphone sa kaibigan ko.

"Bat ako?"angil ni Thri.

"Eh ikaw ang may gustong tumawag diba? Psh"

"Kung bigwasan kaya kita ngayon?"

Lalong namutla si Mitch. Heheh, wrong timing ang pagsusungit nya dahil malamang sa malamang ay mainit na naman ang ulo ni Thrianne. Wala na syang nagawa kundi tawagan ang ate ni Jehridale. Habang abala sya ay bigla akong hinila ni Thrianne papunta sa kanya. Hinawakan nya ang noo ko pati na ang leeg ko.

"Medyo ok ka na"

Dinuro ko ang lalamunan ko. Medyo mahapdi pa din kasi, parang anytime pwede akong ubuhin.

"Hmm, pupunta na tayo sa Cristalli"

"T-Teka paano si insan? Hindi mo na ba pupuntahan?"

"Aanhin ko naman kung pupuntahan ko ang pinsan mo?" nakangiwing tanong nito sa kanya. Napahilamos na lang si Mitch sa mukha.

"Pupunta na sa ospital si Ate Jehn, magingat kayo ah"

"Geh" inakbayan pa nya ako habang naglalakad na palayo kay Mitch. Grabe, tingnan mo tong babaeng ito, kung tratuhin ang kaibigan parang daig pa utusan. At oo nga, tinulungan nya si Jehridale kanina pero hindi nya man lang yon bibisitahin? Ang weird.

SA CRISTAILLI'S CAFÉ

"Namiss ko dito" nakangising ani ni Thrianne. Halos isang linggo rin kasi syang tengga sa tasks na pinagawa sa kanila ng Lolo ni Mitch kaya ganyan sya. Pero kung alam lang nya, napakaraming naganap dito.

"Kileeeeeeeeeeeeeeeeeeiiiiiinnnnn!!!!!" salubong ni Boss Yashiko the Great sa kaibigan. Akmang mayayakap na sana nito si Thrianne pero hinarang nya kaagad ang malapad na kamay sa mukha nito.

"Tsk, masyado kang sabik ka ah"

Sinimangutan sya nito, "syempre namiss kita! Alam mo bang nagtiis ako ng isang linggo para lang makapagpokus kayo nig pinsan ni Mitch dyan sa parusa ng Dean?! Aba! Kung hindi lang maraming trabaho dito baka nakakabisita pa ako no!"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now