CHAPTER 67

100 46 4
                                    

CHAPTER 67

Adrian's POV

Nagulat pa ako ng biglang buhatin ni Thrianne si Orange ng nakabridal na ewan. Sobrang mag-alala sya sa kaibigan nya kaya wala na syang nagawa. Totoong namumutla si Orange, and hindi ko alam kung papaano ko sya tutulungan.

"A-Ahm Garla?" tawag ko sa isang freshman na palaging kasama ni Orange, "where's Princess by the way?"

"P-Po?"

"Hindi mo sya nakita?"

"H-Hindi po eh, nakaraang linggo pa po sya hindi pumapasok"

Natigilan ako. Anong ibig niyang sabihin? Kinutuban ako ng hindi maganda.

"O-Okay, in case na pumasok na sya pumunta sya sa Dean's office okay?"

"Okay senior"

Tumakbo na ako palabas ng threatro dahil hindi naging maganda ang pakiramdam ko. Nanlalamig ang mga kamay ko. Kanina ko pa ito nararamdaman, at ang dahilan na iyon ay dahil sa isiniwalat ng kapatid ko sa akin.

"Princess is the only a child of Mayor Archie Hermano, and also the heiress of the Red Dragon Fraternity, which is one of the most dangerous fraternity in Cavite"

Hindi ko alam kung paano kong sasabihin ito kay Kil. Malamang ay sasabihin na sa kanya ng kapatid ko bago ko pa masabi sa kanya. Hindi ko akalaing ang isang magandang estudyante na kagaya ni Princess ay kasali sa isang frat. Pero bukod doon, wala akong makuhang connection sa fraternity na sinalihan ni Gary Disinsyon, o maski ang nagngangalang Smokey.

Hindi ko alam kung anong susunod nilang hakbang, pero palagay ko, mukhang hindi ko na maaaring palampasin ang sinabi ni Michaendra. Kasalukuyan na syang nakikipagtulungan sa amin kasama ang pinsan nya. Gayunpaman, lubos kong pinagkakatiwalaan ang testimonya nya.

Ang mga nakamaskarang iyon, hindi ko sila kilala, pero may lead na ako, si Asin at si Smokey..

Pinuntahan ko ang pwesto nila Jehridale, at mukhang nagkakatuwaan sila.Pinagtakhan ko ang magkahawak kamay na sila Aoko at ang batang iyon.

"Saichi"

O_O

Napalingon ako sa likod. Nawalan ang kaba ko ng makita si Michaendra.

"Ikaw pala"

"Sumunod ka sa akin, may kailangan akong ipakita sa iyo"

Kaagad-agad din akong sumunod sa kanya. Bumaba kami mula sa ikatlong palapag ng walang nakakakita. Maya-maya ay pumasok na kami sa isang room na walang tao. Masyadong marumi, mukhang abandonadong kwarto na ito.

"Nakikita mo ba ito?"

Pinakita nya sa akin ang isang folder na maaaring naglalaman ng mga sangkot sa mga fraternities. Hindi ko alam kung bakit Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib.

"Bakit? Anong nangyari sa iyo?"

"W-Wala, sigurado ka ba sa mga taong ito?"

"Oo, ang Montessori na iyon ay dating miyembro ng Blue Hunters Fraternity, at kumalas din sya noong nakaraang taon kung kailan umalis sa bansang ito ang dating pinuno ng Black Scythe Fraternity" nagulatang ako sa sinabi niya. Nanginginig kong tiningnan ang folder at pinikit ang mga mata.

"Kung hindi ako nagkakamali, ang mga fraternity na aking nabanggit ay kasapi ng Faltimony Organization, maaaring higit pa dyan ang dami nila. Plano ng kanilang pinuno sa Faltimony na pagaway-awayin ang mga fraternity na kasapi sa kanila"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now