CHAPTER 69

113 45 1
                                    

Thrianne's POV

"Ano? okay na pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya habang nag-aayos sya ng gamit. Mukhang mas lalo pa yata syang namumutla. Kagabi kasi ay ayos na ang pakiramdam nya pero dahil sa katigasan ng ulo ay bumalik na naman yata ang sakit nya. Nagelectric fan lang naman sya habang natutulog at naligo kanina.

Hindi sya umimik. Pinikit nya na lang ang mga mata at tinalukbong ang kumot sa katawan. Wala na yata akong pamimilian. Tinawagan ko si Yashiko para mapakisuyuan na bantayan ang babaeng ito dito habang nasa SMU ako.

Bumaba na ako sa kwarto ni Orange. Mabuti na lang at napapayag ko si Yash na bantayan sya. Bukod pa roon, balak ko sanang bisitahin si Zeirin sa ospital. Ewan ko sa sarili ko, bahala na.

Unang pagtapak ko sa ospital ay napakagat labi na ako. Parang gusto ko na lang na pumasok sa SMU. Pero..

"Haysh, wala naman masama kung bisitahin ang bwiset na iyon" naibulong ko sa sarili. Tuluyan ko ng pinasok ang lugar. Maaga pa lang ay nandoon na si Timrelli. Nakaupo ito habang nagbabasa ng libro. Maya maya ng mapansing nakabukas na ang pinto ay nag-angat sya ng tingin.

"Kilein" tanging nasabi nya. Tumayo bilang pagsalubong sa akin.

"Kamusta na sya?"

"He's fine now...sabi ni Nath medyo napuruhan lang ang ilong nya pero hindi naman sya gaanong nabalian"

"Ah.." walang gana kong tugon. Sandaling katahimikan ang nanaig sa amin.

"Teka..naikwento sa akin kanina na niligtas mo sya mula doon sa mga nakamaskara. Kasama ninyo si Jhin."

"Oo"

Pinagmasdan ko ang mukha nyang namumutla.

"A-Anong itsura ng maskara?"

"Iba ang itsura ng maskarang iyon noon sa uri ng maskara na nakita ko kahapon"

"Palagay mo sino ang mga iyon?"

"Hindi ko alam pero, aalamin ko"

Saglit akong tiningnan ni Timrelli.

"Bakit mo naman gagawin iyon?"

"Ilang beses ng may nagtangka sa buhay nyan, noong nakaraang gabi nga may pumasok na kwarto namin at kung nasa ibaba sya ng deck ay nung nakaraan pa sana sya naospital"

"G-Ganon? Tsk, hindi nya sinasabi sa amin"

"Hindi naman lahat ng nagaganap sa kaibigan ninyo ay dapat nyong malaman"

"Pero karapatan din naming malaman. Buhay ng kaibigan namin ang nakasalalay dito Thrianne.."

"Tss, pinili naming ilihim ang mga nangyari sa loob ng linggong iyon"

Tumango tango sya. Ilang saglit pa..

"K-Kilein...kakampi ka naman namin hindi ba? Hindi ka naman...."

"Hindi ko masasabi"

"P-Pero-_"

"Ginagawa ko ito dahil gusto kong malaman ang mga may kinalaman dito. Gusto kong makatiyak kung sino sa mga hayop na iyon ang pumatay kila Dimples at Chelsea. Bukod pa roon, gusto ko ding malaman kung anong dahilan kung bakit nila ito ginagawa"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now