CHAPTER 40

96 58 11
                                    


CHAPTER 40

Orange's POV

Inis akong umakyat sa hagdanan kasama nila Pringles at Allison. Pagkadating ko ay si Senior Adrian na ang nakita ko.

"Where's Jehridale?" nagugulumihanan nyang tanong. Pinakalma ko muna ang sarili.

"May ginawa lang naman kanina Senior!"

"What?!"

"Yes! At nakuha pa nyang pahiyain ang kaibigan namin! Nakakaloka!" si Pringles.

Nilingunan nya ako. "Where is she?"

"Ewan ko!"

Nagugulat syang napatingin sa akin. Maski ako ay naguguluhan sa sarili ko.Nakita ko lang naman na nagdudugo ang noo niya! Hindi ko sya magawang lapitan dahil nasa locker ako kanina! Nakakainis! kasama na naman ni Thrianne ang isa sa mga kaibigan ni Sakuragi. Kitang kita ko na sinusundan pa nya iyon. Hindi ko na lang sila nasundan pa dahil gusto kong pumunta na ngayon sa Dean's Office!

"A-Ano ba talagang nangyayari?"

"Senior, kailangan na po naming—"

"Papunta kayo ng Dean's Office?"

"Yes po"

"Hindi kayo pwede doon, nandoon ang mga stockholders."

Naitutop ko ang bibig. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makitang seryoso nga sya at hindi nagbibiro.

"Kailangan maayos nila itong gulo dahil baka malaman iyon ng mga Chairmans nila."

Naalala ko nga pala na may gaganaping swimming event bukas. Marahas akong napakamot sa ulo.

"Nasaan na sila—"

"Samahan mo na lang kami Senior!"

"Pero alam nyo ba kung saan sila?"

"H-Hindi eh"

"Hmm..I guess nandon sila, samahan nyo ko" tumakbo kami patungong swimming gym. Hindi ko alam kung bakit nagtungo si Senior dito pero hindi ko na magawang magtanong pa. Si Timrelli lang ang nasa labas. Hindi nito kasama ang tatlo pang iba pa.

"Where are they?" pilit na kalmanteng tanong ni Senior sa dalawa. Nilingunan ko si Allison at Tim.

"Nasaan ang magagaling mong kaibigan Timrelli?"

"N-Nasa clinic-"

"Let's go Rangovine" agarang talikod nya sa lalaki. Hindi ko na sila pinansin pa at patakbo ko ng tinungo ang clinic.

"Ang batang iyon talaga, sakit sa ulo ang dala" namomroblemang ani ni Senior.

"Napakagago nya, nanahimik si Thrianne, mantakin mong nagdudugo na naman ang noo! At worst kasama nya ang isa sa mga kaibigan ng demonyo! Urg!!"Anang Pringles. Marahas akong bumuntong hininga. Pagkarating namin sa clinic ay papasok na sana ako ng Makita si Airon na may kausap na kapwa nya senior na babae. Maganda sya. Nagulat pa ako ng nakakawit ang kamay nya sa bewang nito.

"Rangie? Let's go!" nagulat pa ako ng gisingin ako ni Ali. Tuluyan na kaming pumasok sa loob.

"What have you done Dale?" nakapamaywang pang aniya ni Senior. Nagtatakang tumingin lang ako sa kanila. Kailan pa sila magkakilala?" Thrianne again? Seriously?"

"What are you doing here?" sarkastikong ani ni Dale. Hindi ko na mapigilang sugurin sya.

"Alam mo? Hindi ko alam kung anong problema mo sa kaibigan ko, pero kapag hindi mo pa sya tinantanan ay mayayari ka sa akin!" hindi ko na makayanan ang presensya nya at naglakad na ako palabas. Nakasunod na sa akin si Allison.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now