CHAPTER 72

129 48 2
                                    


Aoko's POV

"Mukhang masayang-masaya ka ah" patutsada ni Vianca. Nakaupo lamang ako dito sa upuan habang kaharap sya. "do you think you're gonna win against me?"

"Hindi kita maintindihan Via"

Inirapan nya ako. "Don't be so rude bitch, you are nothing"

Hindi ko talaga sya maintindihan. Ano bang ginawa kong mali sa kanya? Ah alam ko na, hanggang kasi ay hindi sya makapaniwalang boyfriend ko na si Jehridale. Hays.

Ganito sya kapag hindi kaharap si JD, o di kaya ay hindi namin kasama. Parati nya akong inaaway at sinasabihan ng kung anu-ano. Nang makaalis na sya ay lumapit sa akin si Lyka.

"Epal palagi, oh ano ok ka lang?"

"Oo"

"Tsk, after ng class saan ka?"

"Kila JD ako sasama mamaya, matagal na kasing hindi ako nahahatid ni JD eh"

"Ah, palagi ka nga palang sumusundo sa kapatid mo"

"Oo eh, alam mo mukhang nakalimutan na nga nya birthday ko nitong nakaraang linggo."

"Ipapaalala mo kasi girl,"

"Eh paano, mukhang busy sya habang kasama ang kaaway nya"

"Nagseselos ka?"

"H-HIndi ah"

"Sus. Hay nako, alam mo, wala kang dapat ikaselos, kasi mahal na mahal ka nung tao. HWla lang naman kay Jd ang kaaway nya. Kaya wag ka nag magselos dyan"

"Okay! Thank you Lykiee"

"Stop calling me that! Psh"

Habang naglalakad kami ay naabutan namin si Harly sa office ng HIstory Dept. Anong ginagawa nya dito?

Nang makita nya ako ay awtomatiko syang lumapit at niyakap pa ako!

"H-Hoy! Anong ginagawa mo?!" Nabigla din si Lyka sa nakita.

"I miss you" hindi nya pinakinggan ang best friend ko. Naitulak ko sya para mapalayo sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? Ang lakas naman ng loob mong magpunta dito"

Napangisi sya, "bakit? Ayaw mo na ba akong makita Alomira?"

"Oo! Ayaw kitang makita dahil ang kapal kapal ng mukha mo! Alam mon kung gaanong Malaki ang iskandalo ang binigay ng pangungulit mo sa akin?! Noong nakaraan na nakita nila tayong magkasama ay galit si JD sa akin! Hindi ko sya makausap ng maayos!"

"So kasalanan ko?"

"Oo!"

"Then start date with me or else"

"Or else what?!"

"Or else I will be forced you to date with me"

Nahintakutan ako sa tinuran nya. Oo, nagsinungaling ako kay Dale, sinabi ko sa kanyang gusto kong kasama si Harly pero sa totoo lang ay pinilit lang ako ng lalaking ito at pinagbantaan na nya ako. Aminado akong naiinis na sa kanya, gustong gusto ko na syang kasuhan or anything na magawa ko para layuan lang ako. Pero hindi ko naman maaaring gawin iyon, maraming alam si Harly tungkol sa akin. At ayokong lumitaw iyon ng basta.

Ganon pa man, hindi lahat ay alam ni Harly. Kaya nasisiguro kong kaya ko itong malusutan.

"Umalis ka na lang, hindi mo ako mapipilit na samahan ka"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt