CHAPTER 9

150 95 1
                                    

Thrianne's POV


Nagising ako ng masakit ang likod. Talagang masama ang pagkakatama ng fire extinguisher sa akin.

"Ano bang nangyayari sa school na toh? nakita mo ba yung estudyanteng dinala dito? Grabe nangyari sa kanya"

"Oo nga eh, alam mo bang pinatatawag na ni Dean yung mga sangkot, kaso wala namang nangyare"dinig ko ang usapan ng mga nurse sa labas ng clinic. Ako lang kase ako ang mag-isa sa kwartong ito at maririnig ko ang mga yabag sa labas. Nakaramdam ako ng pamamanhid sa leeg ko.

"Thrianne!!"

"Tch stupid"

O__O

Napangiwi ako ng makita si Rin kasama nya ang maarteng si Orange. Bumuntong hininga pa muna ako dahil masama ang tingin sa akin ng lalaki.

"Ano ba? Bat ka nandito?"

"Matapos kang magkabangas ng ganyan magtatanong ka kung bakit ako narito?" sarkastikong aniya pero may halong galit doon.

"Ilang araw ka palang dito sa SMU yan agad ang makikita ko sayo? Ano bang nangyayari?"

"May klase ka pa diba? Mamaya mo na ako kausapin"

"Ya! You're so stupid! Alam mo namang nag-aalala ako pero wala lang sayo yun? Nakakainis ka!"

"Wag ka nga! Para kang babae! Kaya ko ang sarili ko!"

"Kaya mo ang sarili mo? Kaya ganyan ang itsura mo oh? Sinong niloko mo?"

"Nag-aaway ba kayong dalawa?! Nasa clinic yang si Thrianne tapos nag-aaway pa kayo?! Ambilibabol!"

"Lumabas nga muna kayo! Naiinis ako!"

"Thrianne?"

"Labas sabi eh!"

Nayayamot na naman ako sa kanila. Talagang sira na naman ang araw ko. Nagpumilit akong lumabas ng clinic dahil ok naman ako. Masakit lang talaga ang likod ko. Tumakas ako sa dalawa at nagtungo sa locker room.
Kinuha ko ang mga gamit ko. Nagpasya na akong umuwi.

Naglalakad na ako patungong gate ng harangan ako ng mga asungot.

"Oh? Bat ka uuwi?! Hindi pa tayo tapos!" anang Vanessa.

"Nag-eenjoy pa kami oh!"

Binuhusan nila ako ng tubig. Malamig iyon sobra, as in nagyeyelo!

"Waaah! She's so cold na!"

"Ang galing mo talaga Vanes!"

"Thank you!"

Lumapit sa akin ang syota ni Gary. Nakangisi sya habang litaw ang bangas sa ilong. Ngumisi ako dahilan para lumaki pa lalo ang mata nya. May marahas na humila sa bag ko.

"Oh dear, ito pala ang precious bag mo, so cheap! Eww! Honey?"

Masagwang ngiti ni Gary ang tumambad sa akin. Pinigilan kong matawa.

"Ikaw na ang bahala sa gamit nya ha?"

"Yes Honey! Oh ikaw! Tingnan mo kung paano ko sirain ang mga gamit mo ha! Squatter!"

Pagkasabi nya ay agad nyang kinalat ang gamit ko sa kalsada. Patakbo syang sumakay sa kotse at mabagal syang nagmaneho papunta sa mga gamit ko. Nakita kong nagkawasak-wasak iyon at ganon na lang ang panlulumo ko. Napahawak ako sa mukha ko.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now