CHAPTER 73

115 44 8
                                    





Jehridale's POV

Nagising ako ng wala sa mood kaya maski si Ate ay hindi ko napansin. Hindi ako nakakain sa kagabi, ni nga ang matawagan si Aoko ay hindi ko nagawa. Badtrip, kasalanan toh ni Thrianne. Tsk. Pinag-isip nya ako ng buong gabi! Alam nya bang nakakapuyat iyon?! Binabangungot na naman ako dahil sa kanya!

Sino ka ba talaga Thrianne? Nakakainis ka, ilang buwan na kitang nakakausap at nakikita sa SMU pero maski ang katiting na pagkatao mo hindi ko alam! Kilala lang kita bilang barumbado at bastos. Tsk!

"Jehridale Zeirin Callevein!!!!"

O_O

Nabaling na ang pansin ko kay Ate. Kunot na kunot ang noo nya habang nakatingin na sa akin.

"A-Ate.."

"Kagabi ka pa tahimik! Kagabi ka pa hindi namamansin at kagabi ka pa may topak! Ni hindi ka man lang bumaba para kumain! Hanggang ngayon ba naman hindi mo ako papansinin o kakausapin?! Ano ba ako sa pamamahay na ito?! Table?! Pader?! Ano!"

Tsk. Iniisip ko na nga ba at ganyan magiging reaksyon nya. Hayss. Ano ba kasing nangyayari sa akin. Pati tuloy ate ko hindi ko na napapansin. Pati sa mayordoma nasigawan ko na naman. Asar.

"S-Sorry...may iniisip lang"

"Iniisip na ano? Panibagong plano mo sa babaeng kaaway mo?!"

"A-te?! Hindi yun! Iba naman yung iniisip ko!"

"Ano ba kasi iyon! Magshare ka naman!"

"I-Iniisip ko kasi...na 'yong pangalan ni Kilein"

"Ah 'yong babaeng naging partner mo doon sa pageant? Oh anong problema sa pangalan nya?"

"Hindi pala tunay na pangalan niya iyon"

"Whaaat?!"

"Oo Ate, kahapon ko lang nalaman doon sa ospital nung dinala sya.Ang sabi.. Thriaxiveille Kill Mondrallgo ang pangalan nya, eh hindi ako naniwala, kasi syemre mamaya ibang tao pala 'yon—"

"B-Bakit nasa ospital si Kilein?! Binugbog mo ba?!"

"H-Hindi! Hindi ko sya binugbog! Haysh! May nanghampas nga ng table sa likod nya kahapon at hindi namin nakita! Kaya dinala sya sa ospital dahil nahimatay sya"

"Sino naman kayang gumawa nun?! Nag-utos ka?!"

"Ano ba ATe! Hindi nga ako sabi eh!"

"O-Okay okay! T-Tapos anong nangyari?!"

"Hindi mo ba narinig sinabi ko kanina? May tunay na pangalan si Kilein Ate!"

"Paano ka naman nakakasiguro?!"

"B-Base sa pinaliwanag ng nurse kahapon, malakas ang kutob kong si Kilein at ang Thriaxiveille Kill na iyon ay iisang tao lang—"

"Eh wala naman palang kasiguruhan eh! Wag ka munang maghinala ng tapos! Malay mo ibang tao 'yon diba?! Tsk, 'yan lang pala ang pinoproblema mo brother, buong magdamag mo akong hindi kinakausap, nakakasama ka ng loob hmp"

"Wag ka ngang magtampo dyan ate hindi bagay sayo"

"Aba't! Isusumbong kita kayKuya Zein!"

"Patay na sya ate! Ang kulit mo!"

"Pwe! Pumasok ka na nga ng hindi ako nasstress sayo!"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now