CHAPTER 6

177 100 3
                                    

Jehnica's POV

Naiinip akong basahin ang mga librong nasa bookshelf. Tahimik kong minasdan ang kwarto kong ito.Halos tatlong taon na nakalilipas ng makagraduate ako sa SMU.Naalala ko ang kabataan ko habang nasa college ako noon,syempre highschool pa lang si Dale.

Masaya naman sana eh,kaso nagsimula ng sumakit ang ulo ko ng nagsimula syang mag-first year college,lahat na lang ng gulo pinapasok nya.Lahat rin ng gusto ay masusunod.Pati mga kaibigan nya ay kinukonsinti sya.Talagang literal na sakit sa ulo ang batang iyon.Lahat ng nabubully nya ay nauuwi sa expulsion,minsan pa nga ay nagpapakamatay pa.Hindi ko na masyadong naaasikaso ang sarili dahil sa paulit-ulit na naga-guidance.Buti na lang 4th year na ko non at graduating na.

Naalala ko yung ginawa ni Dale sa nanliligaw sakin na artista,muntik na nyang ikaladkad dahil sa sobrang inis.Nagpakalat ba naman ng sex video tungkol sa ex ko.Natawa ako sa sarili.Napakaisip bata pero protective na bunso.Namana nya ata yan sa namayapa naming kapatid.
Hindi ko namalayang nakatulugan ko ang pagaalala sa nakaraan.

Dalawang oras na akong nakatulog.Nagpasya na akong bumaba para hintayin si Dale.Naabutan ko si Lola Patricina na nakaupo sa sala habang nagbabasa.Nagtama ang paningin namin.

Nagmano muna ako,"Lola,hindi pa po ba nakakauwi si Dale?"

"Aba'y hindi ko pa sya nakikitang pumasok sa pinto"

Ngumiwi ako sa sinagot niya.Gabi na naman siya umuwi.San kaya siya nagpunta?

"Oh bakit?May problema ba?"

"Wala po,kamusta na po ang pakiramdam nyo?Nagpacheck-up na po kayo kanina?"wala sa sariling naitanong ko.

"Ayos naman na daw ang lagay ko,ipagpahinga ko na lang ang katawan ko"

Nakahinga ako ng maluwag.Nangiti ako sa maamong mukha ni Lola,meron kase syang rayuma at highblood.

-Kachak-(tunog ng doorknob)

Nabigla ako sa kalabog ng pintuan.Sinilip ko kung sinong pumasok.Kumunot noo muli ako.

"Saan ka galing hmp?Alas-sais na oh!"mataray na tanong ko.Hindi siya kumibo.Nasa ibang lugar sya nakatingin.Napansin ko ang pasa sa labi niya.

"Hoy!"

"H-ha?!"

"San ka nga galing!?Bat ngayon ka lang umuwi?Alam mo bang alas-sais na?Kanina ka pa dapat nakauwi!San ka galing?Wala ka sa sarili mo oh?At may pasa ka pa sa mukha!Nakipag-away ka na naman ba!!"

"T-Teka kelan ka pa nakauwi?!"

"Bakit bawal na ba akong umuwi ha!"

"H-Hindi naman, sige--"

"Sandali!,tinatanong pa kita ah! Saan ka galing?!"

"P-pwede ba!Ang OA mo,galing ako sa school okay tch"

"School?Sa school ba talaga?Ang tagal mo naman yata don?Di kaya---"

"WALA AKO SA MOOD"diin niya sabay akyat sa taas.Walang galang talaga tsk tsk.

"Nakita niyo po ba yun 'La?Grabe talaga!"iling-iling kong sabi.Natawa si Lola.

"Hayaan mo na yang kapatid mo,pagod sya galing sa school"

"Pero 'La,tatlong oras na po syang nasa SMU,baka naman may binubully na naman yan o di kaya nagpupunta na naman sa bar"

"Wag kang masyadong mag-alala sa kanya,malaki na siya,dapat ang isipin mo ay ang pag-aasawa"pangaral niyang tono ang nangibabaw.Natawa na naman ako sa sinabi niya.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now