CHAPTER 21

124 68 1
                                    

CHAPTER 21


Thrianne's POV

"Stand up Ms. Kilein" tinawag ako ni Prof. Ganio. Walang gana akong tumayo.

"ano ang tawag sa kaso tungkol sa isang krimen na sinadyang patayin ang biktima?"

"Murder"

"Very Good, ano naman ang batas na nagbabawal sa pag-angkin ng hindi sariling lupain?"

"Batas Republika Blg. 10368 noong 1987 at huling sinusugan ng Batas Republika Blg. 7279"

"Very good.. ok you may sit down"

Naupo ako sa kawalan ng interes na lingunin ang paligid. Bagaman may mga pagkakataong hindi maganda ang gising ko ay para akong binabangungot ng gsing. Hindi ko makakalimutan ang nagyari kagabi. Iniisip ko pa lang ay parang gusto ko ng hanapin kung sinong may gawa nito kaso baka may hindi pa magandang maganap. Kinakailangan kong ma,ahanap ng magandang tyempo.

CALLEVEIN...

Ano naman kaya ang kinalaman nya rito?

Buong magdamag kong pinagiisipan kung anong kinalaman nya, naaalala ko yung tawag sa akin noong Linggo.

"....ibigay mo sa akin ang Callevein"

Masyado nang komplikado ang nangyayari. Maski ako man ay naiisahan nila, hindi ko Makita kung sino ang malimit na nagmamatyag sa bawat kilos ko..teka—

Si Vianca Costana..

"Vianca Costana was a 4th year college, and also a classmate of Alomira Kollete, according to Adrian, may mga nakalap silang impormasyon na kasapi sya ng dramatic club, marunong syang magmanipula ng kanyang mga kasama sa pamamagitan ng cheerful way niyang pagpapanggap. She's also using a flirtation to grab her own victim. Pero ang nakapagtataka ay wala naman syang records na maaari nating iakusa sa kanya. Wala tayong makitang ebidensya. Maski ako ay hindi nakikita sa kanya ang ganon, maybe ganon lang talaga siguro sya.." kibitz balikat na paliwanag ni Rin sa akin noong nasa mall kami. (CHAPTER 9)

Totoo ang sinabi ni Rin tungkol doon. Wala akong makitang anggulo para mapagdudahan si Vianca. Masyado nilang ginugulo ang sitwasyon at naiinis na ako.

LUNCHBREAK

"Nakakainis yung mga impakta dito! Hoy Thrianne! Buong araw ka na namang tuliro ah!" nag-iingay na naman si Orange. Pababa na kami sa canteen.

"Hindi na yata magbabago ang tingin nila sa atin teh! Naku nakakatakot na naman ang araw na ito"

"Bakit na naman bakla?!"

"Aba! Syempre dahil si Thrianne ang may ticket! Kagaya kahapon, diba? Nagkakarambol ang dalawang oh!"

"Hay nako, sanay na nga yan sa mga ganyan Pringles, wag ka ng mag-aalala dyan."

"Tsaka teka, totoo bang hindi mo papatulan yun? Paano kung may mas malalang mangyari sayo?"

"Bahala na" nagkibit balikat kong sagot. Pinilit kong makisali sa usapan nila.

"tsaka titigil din ang mga yan"

"Kelan pa?! Kapag nakaratay ka na sa kabaong?!" asad ng bakla. Ngumiwi ako sa tinuran nya.

"Syempre dyan na ako lalaban, hindi naman pwedeng mauwi sa wala ang buhay ko eh"

"Nice ang taray! Pablessingan mo Rangovine! Baka magkahimala ang bampira!"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now