CHAPTER 46

90 52 2
                                    

CHAPTER 46

Thrianne's POV

"Hala ka? Wala kang balak pumasok Thri?" usisa ni Orange habang binabalatan nya ang kamote. Nakahiga kasi ako sa kama habang nakatingin lang sa kisame. Nakabihis na sya ngayon.Lumipas lang ang isang linggong suspension sa amin at heto na naman at papasok na. Lunes ngayon at sigurado marami kaming ihahabol ngayon.

Pinagiisipan ko pa rin hanggang ngayon ang mga nakalap ko noong Biyernes. Halos hindi ako nakatulog niyon. Tuloy ay ambibigat ng mata ko ngayon. Paniguardong litaw ang eyebags ko. Dalawang araw kasi matapos iyon ay hindi yata ako nakapagreview. Hayss..

"Hoooooooooyyyyy kamoteee!! Ano ba't nakatunganga ka na lang! Malalate na tayo oy!"

Pinilit ko na lang na bumangon para matigil na sa pagsasalita ang maarteng si Rangovine. Minsan pinagiisipan ko na lang na huwag na syang bantayan, para kasi syang asong tahol ng tahol. Tuloy ay hindi ko maiwasang ipaghambing sya kay Sakuragi. Bigla kong naisip ang taong iyon. Kamusta na kaya ang gunggong na yon?

"Hala ka! Ebride! Ebrinayt nakatulala ka pa rin! Asus Thrianne! Baka hindi magtagal kunin ka na ni Lord nyan!"

"Tinutungayaw mo na ako ganon?" nabigla ako ng mamaos ang boses ko ngayon. Kaya pala masakit ang lalamunan ko kanina pa. Nahipo ko ang noo ko at—

MAY NAKAPA AKONG BUKOL DITO!

"Hala!!!! M-May bukol ka! Saan galing yan!"

"Hindi ko alam" pinipilit kong magsalita kahit na ang sakit sakit na ng lalamunan ko. Anong nangyari? Dala ba ito ng pagpupuyat ko o..

"Pocha.." mahinang sambit ko. Hindi iyon maaari..

"B-Bakit Thrianne? Masakit ba?! Naku wag ka na kayang pumasok? Namumutla ka lalo! Baka mahimatay ka mamaya sa daanan ah! Hindi kita kayang buhatin pag nagkataon! Pag nacomatose ka pa wala akong ipambabayad sa ospital!"

Ang advance nito. Siniringan ko sya, " Tangina.."

Nagdire-diretso ako sa banyo at hinugot ko muna ang tuwalya bago tumingin sa salamin. Sa totoo lang, noong dalawang linggo pa sumasakit ang noo ko. Noong una hindi ko pinansin, kasi nga baka allergy lang, pero habang katagalan ay lalong sumasakit ito. At ngayong nakikita ko sa salamin ay nangingitim na ang noo ko! Badtrip! Halatang halata na ito oh!

Nayayamot akong napapailing habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Kinapa ko ang sarili.

" Ito yung inuntog ako ni Sakuragi sa noo nya ah...tanginang yan, nadedelay na pala ang sakit" angil ko. Nahihilo na ako ng mga oras na iyon pero pinilit kong kumilos. Ang bigat bigat na ng katawan ko. Ganito ang katawan ko kapag naihampas ang ulo ko sa matigas na bagay. Grabe, ang tigas ng ulo ni Sakuragi..

Pinilit kong maligo kahit hindi na kakayanin pa ng katawan ko. Bumuntong hininga ako. Lumabas ako ng cr.

"Paano ka makakapagpractice nyan kung may bukol ka?!" ang lakas ng pagkakasigaw ni Orange kaya napatakip na lang ako ng tenga. Hindi ko napansin na kinapa nya ang leeg ko, "oh my god! May sinat ka! Waaaaaaahhhhh!!!!!"

O_O

"Waaahhh! May lagnat ka nga Thrianne! Paano na yan! Oh my god! Isugod na kaya kita sa ospita—"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now