CHAPTER 17

119 76 5
                                    


Chapter 17


Aoko's POV

"Girl! Si Jehridale nasa clinic!" ani Vianca sa akin. Nagkatinginan kami ni Lyca. Agad akong napatayo at pinuntahan Ang sinasabi nya. Ang mga tao ay napuno. Nang makita nila ako ay nagawa kong dumaan.

Laking gulat ko ng makita si Jehridale na masama ang tingin sa kung saan.

"What's going on?" nilapitan ko si Airon nakaalalay Kay Dale. Hindi ako nito sinagot. Ang awra ng manliligaw ko ay nakakatakot. Iba iyon sa pangkaraniwang galit, na sa paraang iyon ay pawang mabangis na hayop ang nakakita ng makakain. Naguguluhang tumingin si Nath kay Tim at Airon.

"Ano bang nangyayari kay Shinichi? Bakit bigla na lang nyang ginawa yun sa kaibigan natin?"nag-aalalang sabi ni Nath. Nagkibit balikat si Tim at hawak ni Airon ang dibdib. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Hindi ko mabigkas ang pangalan ni Dale dahil baka pati ako ay pagbuntunan nito.

"I don't know.."

"At hindi ko na alam kung paanong humantong sa ganito! Kararating ko lang nung Sabado! Tapos ganito na naman!"

"Alam niyo?" sumabat ang babaeng maliit. Nakita ko sya sa party,"Kung gusto ninyong malaman kung anong nangyari, bakit hindi nyo muna itanong doon sa nabiktima nitong kaibigan niyo? Mga wala kayong kwenta!"

Hindi ko alam ang mga nagaganap pero hindi ko na rin mapigilang sumabat," Hey, don't shout out to your seniors" sita ko sa kanya.

Siniringan nya Lang ako," diba ikaw yung girlfriend ni Hades?"

Sinulyapan ko si Dale,"N-no" tanggi ko.

"Pakisabi nga diyan sa demonyong iyan,napeperwisyo kami sa kanya!"

"R-Rangovine..."

"Wag mo kong kakausapin Airon! I hate you!" nagwalk out pa ito. Sumalubong sa kanya sila Allison. Nanlilisik ang mata ni Ali kila Dale. Clueless na Talaga ako dito.

Nilapitan ko pa sila Nath,"H-Hindi ko alam ang nangyayari--"

"Tumabi kayo" napaharap kami Kay Dale. Masama ang timpla ng mukha nya.

"J-Jehridale.."

Hindi nya ako pinansin. Kinabig lang niya ako.

"Dale,saan ka pupunta?" seryosong tanong ni Timrelli dito. Hindi sya hinarap.

"Kay Shinichi"pagkawika ay iniwan na nya ang mga kasama.

"J-Jehri--"

"Ahm..Aoko, pasensya na pero hindi kasi maganda ang pakiramdam ni Dale, dapat siguro bukas mo na lang sya kausapin" pinilit ni Nath na ngumiti habang nagpapaliwanag.

"Pero, paano si--"

"Don't worry about him, ayaw naming makita mo syang ganito Aoko, so please umuwi ka na muna"

"O-Okay"

Napayuko ako sa sobrang panlulumo. Wala na akong magawa dahil naglakad na palayo si Jd. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na Hindi sya sundan. Hahabulin ko pa sana sila kaso nagring na ang phone ko.

"Hello--"

"Ate! Nandito si Jhin! Nagaaway na sila ni Harly!"

"W-What?!"

"Pumunta ka na dito Ate! Hindi ko na sila maawat!"

"Okay!"

Dali- dali akong nagtungo sa parking lot at nagdrive kaagad ng kotse. Ilang minuto lang akong nasa biyahe. Nakalimutan kong iparada Ang kotse sa garahe namin sa sobrang pagkatuliro. Agad akong pumasok sa bahay. Nasa sofa lang si Alimir at nanonood. Nahuli ko naman ang dalawang lalaki, si Harly na kinekwelyuhan ang nanghihinang si Jhin. Hindi ko na inatupag pa ang kapatid ko at kailangan ko ng mahinto ang dalawang ito!

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now