CHAPTER 53

106 50 1
                                    

Jehridale's POV

GOOD MORNINGG SUNDAYYYYYYY!!

Nakaramdam ako ng pagyanig sa kama at pananakit ng likod ko kaya't tuluyan na akong nagising. Ganon na lang ang panlalalaki ng mata ko ng pinupukpok na pala ako ni Ate ng unan.

"Aish! Ang tagal mo namang magising dyan! Ano ka may hangover ha? Ha?!"

Bwiset na delubyo sa umaga..

"Hmm" ungot ko. Naghikab at iniunat ang katawan ng binato ako ni Ate ng unan sa mukha. Badtrip talaga.

"A-Aray! Ano ka ba! Ang aga aga ang delubyo mo na naman Jehnica! Kita mo namang bagong gising diba?!"

"Wala akong pakialam kung bagong gising ka, bumangon ka na dyan at maligo, diba sabi mo ngayong araw ang umpisa ng paggawa ng tasks sa inyo?"

"Ay oo nga pala! Buti pinaalala mo"

"Ayan kasi! Lovelife pa unahin! Ng hindi ka na makagraduate!"

"Tsh! Ate?! Get out of my room now! Your mouth is an armalite!"

"Nyenyenye"

Tinakbo ko ang cr at masinsinang kinuskos ang katawan at nagshampoo ng mabilis. Natapos ako ng 3 minutes doon. Pagkalabas ko ay inihanda ng mayordoma ang mga damit na susuotin ko na nilagay na nya sa kama. Mabuti at wala pa sya sa loob, kundi masisigawan ko na naman sya.

"Oh my god brother, ang gwapo mo ngayon ah, may date ka ba or outing?"

"Tsk, hindi ate, sa impyerno ako pupunta."

"Ang sungit mo talaga brother. Siguro nag-away kayo ni Alomira ano?"

"Hindi no! Makaalis na nga at baka mainis pa ako lalo"

"Bye bye brother harhar" pang-asar pang habol. Padabog kong nilapag ang malaking bag sa kotse. Ang mayordoma ay inilagay ang mga pagkaing bibitbitin ko daw. INis akong nilingon sya.

"Won't you mind put all of my foods there?"

"B-Bakit po young master??"

"Masisira lang ang lahat ng yan sa kotse! Now get out of here! Ako na ang bahala dito!"

"S-Sige po sir"

Kinuha ko ang mga pagkaing nilagay nyasa koste at nilagay iyon sapassenger's seat. Maya-maya ay nagstart na akong magrive.

"Tch, nakakainis, bat ba kasi ako pumayag sa punishment, Tuloy sira na ng tuluyan ang buong linggo ko" hindi ko na pigilang mainis ngayon. Hinid ko talaga maintindihan si Lolo. Kung pwede nga lang ay maaari na akong tumanggidahil apo naman ako ng pinsan nya. Pag nalaman ni Lolo Zei na pinapahirapan ako ni Lolo Mauricio sigurado malaking gulo yun.

SA SMU.

Tahimik ang unibersidad sa araw ding iyon. Syempre walang pasok. Kaya ang ibig sabihin ay iilang tao lang ang nandito.

"Hoy"

O_O

"Ha?!" napatalon ako ako sa gulat. Kainis na babae ito ah! Parang bulate, kung saan saan sumusulpot!

"Kanina ka pa nandito?"

"H-Hindi, kararating ko lang. Teka, yan lang ang dala mo? Eh pang isang araw lang yata 'yang dala mo ah" tinutukoy ko ay yung suot nyang backpack na malsa paningin ko. May mga balak akong gawin sa babaeng ito na hindi nya alam. Hwehwehweh.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora