CHAPTER 94

85 36 1
                                    

THIS IS DEDICATED ORIGINALLY FOR MY BESTFRIEND LATELY WHO DIED WHEN I WAS GRADE SIX. HER FAVORITE CHARACTER WAS RAN MORI FROM ANIME DETECTIVE CONAN. WISH YOU FOR GOOD IN HEAVEN 'A' 😊.


Shinichi's POV

"I'm not hesitating her Shin" maikling tanggi ni Timrelli, "b-but...I can't still moving on..."malungkot nyang sabi. Nasa likod kami ng mga kaibigan naming nag-iingay sa harap. Pinag-uusapan naming dalawa ngayon ang tungkol sa mga nangyayari sa amin.

"It's really hard to move on while you're still in pain...I understand you bro" mapait kong wika sa kanya. Naalala ko kung anong reaksyon kanina ni Hanabi doon sa airport. Inaamin kong nasasabik din akong makita sya kaso, nang makita ang Daddy nya ay para akong dinaluhong ng galit.

Ilang saglit na katahimikan ang naghari sa amin bago sya muling nagsalita, " Si Hanabi pa rin ba Shin?" pagbabalik sa akin ni Tim ng tanong. Malungkot akong nangiti.

"Hindi kita masisisi, ang totoo nga nyan maski ako naguguluhan sa inyo, ano bang mayroon sa inyo ngayon? Hindi ko na kasi kayo nakikitang magkasama"

"U-Uhm..." tumikhim ako, "may konti lang kaming problema ngayon pero tingin ko maaayos naman kaagad." nakangiting tugon ko. Hindi na nya ako inusisa pa. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. Kagagaling lang kasi naming ospital at sa tingin ko ay may aaminin si Jehridale sa amin. Nakita ko kasi sa reaskyon ni Aoko na mukhang hindi naging maganda ang timpla nya.

Naupo na kaming lima. At syempre, hindi mawawala ang maingay na si Natheleo.

"Pero dude naman! Hindi nga ako makapasok sa kwarto nila Panda kasi napakaraming body guards don! Hindi ko nga alam kung saan galing yun eh!"

Tumaas ang isang kilay ko. Iyon ang pinoproblema namin kanina pa. Pagkalabas kas namin ng ospital ay naisipan naman naming bisitahin si Panda, kaso hindi kami painapasok. Ang weird lang.

"Siguro dumating na ang parents ni Rangovine sa kwartong iyon kaya maraming bodyguards" kibit balikat na sagot ni Tim. Gulat kaming napalingon lahat sa kanya, "oh bakit? Tss."

"Sa parents ba talaga iyon ni Rangovine?!"

"Malay ko, pero...hindi naman kasi maaaring sa Dean iyon galing, hindi naman sya palaging nagdadala ng bodyguards sa school.kaya hindi imposibleng sa parents ni Rangovine galing ang mga bodyguards na iyon."

O_O

Pareho kaming nagkatinginan ni Jehridale. Parang may gusto syang sabihin pero hindi nya maibuka ang bibig.

"W-What's wrong Dale?" kiming tanong ko sa kanya. Muli syang yumuko at inayos na naman ang upo. Tila hindi sya mapakali.

"Iceberg"

"H-Ha?"

"May hindi ka ba sinasabi sa amin?"

And yet, here's our own investigator Timrelli. Napakaseryoso ng taong ito kapag may nakikita syang kakaiba na gusto nyang alamin. Hindi na ako nagulat.

Sandali syang huminga ng malalim bago nagaliat.

"May sinabi sa akin si Kilein.."

"Waaaaahhh! Di nga! A-Anong sabi!!!"

"Shhh!" sabay naming saway sa kanya. Napakaenergetic na naman nito ni ni Nath. Inis ko syang tinitigan.

"H-Hehe sorry"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now