CHAPTER 19

118 73 1
                                    

CHAPTER 19

ORANGE'S POV

Sa Cristailli's Café kami kasalukuyang nagwowork ngayon ni Thri. Ewan ko ba, tinotopak ang babaeng ito ngayon at naisipang magtrabaho.Kunsabagay ay hindi na sya nakapagpraktis sa banda nila kanina dahil sa iskandalo ni Jehridale. Bandang alas-siyete na iyon ng gabi at hindi ko maiwasang kabahan sa mga kinikilos nito. Nagseserve kami ngayon ng mga order ng customers. Wala pa si Yashiko dito psh.

"Good eve babes!" salubong ni Mitch sa amin. Kumakaway kaway pa sya sa amin.

"what's good in evening?" masungit na ani ni Thri. Napabuntong hininga na lang si Mitch.

"Where's Yashiko?"

"Nasa puso mo" sabat ni Thri. Napapoker face ako.

"Eh? Hhahahahahaha!"

"Tss kinikilig ang gago" Singhal ng kaibigan ko. Patuloy niyang inaayos ang mga inorder ng customer. Ugali na nyang mang-asar sa mga malalapit sa kanya. Hindi ko na lang pinapatulan kapag alam kong wala sya sa mood.

"Mitch! Anong satin?" pag-iiba ko ng usapan.

"Ah, tatambay lang ako dito, katatapos ko lang magpraktis sa basketball"

"Hindi ka oorder ganon?" mataray na sabat ni Boss Yashiko. Nakahalukipkip syang nakatingin sa lalaki. Heto na ang power couple namin hahahaha!"kung tatambay ka dito Mr. Callevein, maigi pa umuwi ka na"

"Tch! Babe-"

"Babe?! Sinong babe--mo ako?! Nako Mitch lumayas ka dito sa harap ko baka mabugbog kita!"

"Ayoko nga! Nandito ako para mailabas ang stress ko Yash" ngumuso syang sabi. Iiling iling si Thrianne na papalapit sa dalawa.

"Orange, pakilagay nga itong honey sa café, baka hindi pa sumakto sa timpla" pagpaparinig nya pa sa dalawa. Natatawa akong sinalin ang honey. Ang dalawa naman, hayun tuloy sa pagtatalo.

"Ano ba kaseng ginagawa mo dito?!"

"Nandito nga ako para uminom ng kape!"

"May kape naman sa inyo ah!"

"Eh ayoko nun eh! T-Teka nga? Bat ka pa nagagalit?"

"Kulang sa lambing mo Mitch" sabat ni Thrianne.

"O-oo nga! Kulang sa date at chocolates mo Mitch! Kawawa naman alala-"

"Will you please shut up?! Shut up!" inis nyang sabi saka tumalikod. Sya pa may ganang mag-walkout psh. Walang araw na hindi nagbabalayawan ang dalawang ito kapag sila ang naguusap. Tuloy ay naawa ako kay Mitch. Kita ko sa mukha nito ang pagod dahil bukod sa praktis nito ay binabantayan nya din ang loka-lokang kapatid sa bahay o sino pa kung e di si Sunshine.

"Paorder nga ng Creamy Vanilla Coffee, here's the change"

"Thank you sir" nakangiti kong sabi. Matapos ang magdamagang rotation naming ni Thrianne ay nagpahinga muna kami sa table ni Mitch. Talagang magdamag syang nakaupo doon, hindi naman na sya nakapagsalita after nilang mag-usap ni Boss Yashiko.

" Oh? Di ka pa umuuwi?"

Hindi ito sumagot sa kanya. Tch, magpinsan nga sila ni Hades, kakaiba ang mga ugali.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now