CHAPTER 20

123 73 2
                                    

CHAPTER 20


THRIANNE'S POV

SUMASAKIT na ang leeg ko habang nakatunghay sa mismong music room. Hinihintay ko kase ang mga kabanda ko dahil kakadismiss lang ng klase. Hindi ko na gaanong iniintindi ang kumag na si Orange dahil nasobrahan sya sa pag-iisip tungkol kagabi.

"Oh heto ka na pala!" agad kong narinig ang boses ni Josh. Kasa-kasama na nya si Crayden.

"Before we start practice, sinabihan ako ni Adrian na wala pa pala dito si Shinichi, kase nga diba kailangan nilang ipadala doon ang abo ng namayapang Chairman. And also, regarding dun sa issue ni Wilson..."

Naupo muna kaming tatlo. Nagpasya muna kaming magpahinga muna bago magpracitce.

-Kriiiiiiiiiinggg

"Ah wait lang may tumatawag" ani Crayden saka tumayo ng nakatalikod.

"Di ba palagi kayong magkakasama nila Wilson?" paguumpisa ko" pwede mo bang ikwento sa akin kung anong napapansin mo habang kasama sya?"

"Recently naman normal lang ang kinikilos niya, pero nitong mga nakaraang linggo napapansin ko lang... kapag naguusap usap kami tungkol sa banda ay lagi syang tahimik, tapos kapag nagaasaran naman minsan iba yung sinasabi nya." Nahilot ni Josh ang sentido," kapag nakikita namin syang ganon parang naninibago kami. Kasi masyadong masayahin si Wilson. Hindi naman sya nagkekwento, samantalang dati naman panay ang kwento nya sa mga nangyayari sa kanya habang nasa working place sya."walang bahid na kasinungalingan nyang paglalahad. Napasandal ako sa pader at nililikot sa kamay ang drumstick na hawak ko. Kinakabahan na naman ako...

"Guys, sabi ni Dean tutal tatlo pa lang tayo dito magpahinga na daw muna. Pero kung gusto nyong samahan akong puntahan si Wilson sa bahay nila mas okay yun" may halong pag-aalala na sa boses ni Cray.

"Pipiliin ko ang option 2, wala naman akong gagawin sa bahay e,ikaw Kilein?"

"Ok lang din" kailangan kong alamin kung ano itong kutob ko. May hindi nagtutugma. Maaaring sa pagkakataong iyon ay baka mali ang hinala ko, sana talaga buhay pa sya.

Pagkalabas ko ay nakasalubong ko sina Allison.

"Waaah! Tapos na kayong magpraktis?" ani Pringles. Nakatingin sya kay Josh. Tch..

"Bakla! Kaya nga lumabas na diba?! Kase tapos na silang magpraktis!"

"Kontrabida ka kahit kelan Muhammad! Nakakainis ka hmp!" maarteng linya ng bakla.

Sinisilip ko ang buong paligid,"Si Orange nasaan?"

"Ah umuwi na, ewan ko ba sa kaibigan natin, bigla na lang natahimik eh!"

"Mga kaibigan mo din sila?" sabat ni Crayden.

"Oo, sya si Prince," turo ko sa baklang namumungay ang mga mata tch.."at sya naman si Allison" turo ko naman kay Allison. Pinakilala ko na rin sila Crayden sa kanila.

Nagpasya na kaming puntahan ang bahay nila Wilson pagkatapos niyon. Halos mahaba pa pala ang biyahe para makarating doon. Walang nagsalita samin.

" Hindi ugali ni Wilson na umabsent ng walang pasabing dahilan..." basag ni Crayden. Bumuntong hininga si Josh saka lumingon sa kaibigan.

"Matagal na namin syang kasama simula pa noon. Actually apat talaga kami dati eh...."

"Eh nasaan ang isa?"

"Nang-iwan.." naiusal ni Crayden. Hindi ko kita ang mga reaksyon nila pero nababatid ko ang pag-aalala nila.

"Nanonood ka ba ng tv or nakikinig ng OPM ganon?" nilingunan ako ni Josh.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now