CHAPTER 39

92 56 1
                                    

CHAPTER 39

Jehridale's POV

"May napapansin ako!" biglang sambulat ni Nath habang naglalakad kami sa pasilyo ng hallway. Uwian na kasi iyon at balak sana naming puntahan si Airon sa practice nya. Hindi namin kasama si Shinichi dahil nasa banda sya, ayaw naman namin syang pilitin dahil alam na namain ang ugali nya. At isa pa ayaw ko munang makita si Rukawa, naiinis lang ako na ewan.

"Ano na naman ang napansin mo?" masungit na tanong ni Tim.

"Yung kanina! Yung sa babaeng iyon! Bwhahaha grabe yun men! Ang lakas nya! Normal ba yun sa isang babae?"

Napanguso ako,"Amazona sya Natheleo, malamang normal sa kanya yun"

"Tsh, grabe ka naman!"

"Bakit hindi ba? Sa tingin mo kung hindi sya amazona makakaya nyang gawin yun? Mag-isip isip ka nga!"

"Aishh, hindi totoo ang mga amazona ice berg" ngiwing tugon ni Timrelli. Pinanliitan ko sya ng mata.

" W-Wait, kanina ka pa nambabara Timrelli ah, anong nangyayari sayo?"

"Wala"

"Aysus, nagtatampo ang baby Mushroom natin lider! Hhahahahahaha!"

"Shut up!"

"SHSHSHSHS"

Inis na napasigaw si Timrelli,"Shut up Ice cream!"

"W-What?!"

"Ice creammm!!!"

"Bwahahahahahaha!" natawa ako sa kanila. Napapahiyang ngumiti si Nath.

"Hindi ka naman mabiro Mushroom eh hahahaha!"

Maya-maya pa..

"Pero as I've noticed, malakas talaga sya, maski yung mga pagbabanta nya wala syang alinlangan don, nakakatakot"

"Wala talagang araw na hindi natin sya pag-uusapan Natheleo?"

"Syempre! Sya ang Rukawa mo eh!"

"A-Anong Rukawa ko?! Walang ganon ah! K-Kadiriii!!"

"Wow! Sya pa ang nandiri hahahahahahahahaah!!!!"

"Wala nga kasi akong pakialam! A-At wag mo na syang isali sa usapan! Nakakadiri ka na!!"

"Talaga lang ha! Hahhahaahhaahah!!!"

"Ang ingay ninyong dalawa haha" tatawa-tawang ani Tim. Inabutan na namin si Airon.

"Bihon!! Hhaahahah!"

Inis na humarap sa amin si Airon. Hindi nya kami magawang makausap dahil may kausap itong magandang babae.

"Naku po, ang kamandag ng isang Sachille tsk tsk"

"Noong nakaraan pa yan, sa katunayan nga sa tuwing umuuwi tayo dumadaan sya sa likod ng SMU. Mukhang may sinusundo ang loko"

Napaismid ako. Kung ganon hindi nga sya napatino ni panda, ugali naman na yan ni Airon. Hindi ko na inaasahan na magbabago pa sya, kahit ang isang estranghera. Pagkatapos nyang makipagusap ay nagpunta na sya sa kinaroroonan namin.

"Teka, wala ka pa bang sinalihang sports Dale?" tanong ni Timrelli.

" Chess" kibit balikat na sagot ko.

"Talaga? Ako kasi sinalihan ko muna yung sa Fencing, kasi kasama ko doon si Shinichi—"

"Ano? Sumali sya doon?"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin