CHAPTER 33: THE COLLEGE'S PARTY PART 4

96 58 2
                                    


Thrianne's POV

Sinadya kong uminom para mawala ang pag-aalala sa dibdib ko matapos ang nangyaring iyon. Alam ko namang malapit na kaming magperform pero feeling ko parang wala ako sa sarili. Nakaapat na akong tinungga ang alak na nakalagay sa refrigerator ni Rin. Nagpasya akong lumabas para magpahangin.

Mabuti na lang talaga at mahangin sa labas. Napakahaba ng gabing ito, mukhang hindi ako makakatulog kaagad pagkatapos nito.

" Mukhang pumapalya na ang mga kutob ko ah" iiling iling kong nawika. Pinagmasdan kong muli ang karagatan.

"Thrianne Kilein!" rinig kong pagtawag sa akin ni Josh. Kusa akong napalingon.

"Oh?"

"Magsisimula na tayong magperform. Saan ka ba nanggaling? Kung saan saan na kita hinanap hahah!"

"Ah naglakad-lakad lang" pagiiwas ko ng sagot.

"Tara na bumalik na tayo don"

"Sige"

Sinundan ko sya pabalik sa hotel. Hindi ko na pinansin ang paligid. Hindi pa naman malakas ang tama ko, kaya medyo ayos pa ang pakiramdam ko.

"Oy ayos ka lang? Namumutla ka lalo eh"

"Ok lang ako, sige na"

"Thriaannnneee!!"

Napasigaw si Josh sa gulat. Ako naman ay nailing at lihim na natawa. Syempre, ang boses na iyon ay galing kay Rangovine, at kasama nito si Allison.

"Hoy Thrianne!! San ka galing! Alam mo bang kanina pa kita tinatawagan at hinahanap ah! Bat hindi mo sinasagot ang phone?!"

"Lowbat ako"

"Hinahanap kasi namin ni Rangie si bakla, baka alam mo kung nasaan sya"

Nagiwas ako ng tingin, " mamaya ko na lang sasabihin, may ipeperform pa kami"

"P-Pero Thria—"

"Rangovine? Mamaya na lang, after kong magperform hintayin mo ako sa backstage naintindihan mo? Huwag kang hihiwalay kila Airon please lang"

"O-Osige na nga! Basta sabihin mo sa amin kung nasaan sya ha!"

"Oo"

Mabilis ko na silang iniwan. Ayaw ko munang sabihin sa kanila ang nangyari, baka magkagulo pa.

"Ikaw na lang hinihintay Kilein! Oh ito" inabot ni Wilson ang gitara. Binitawan ko ang bote ng alak na kanina ko pa hawak. Sinuot ko na ang gitara.

"Kilein, suotin mo toh"

"Ladies and gentlemen! Ito na ang SMU KINGHTWALKER'S BAND!"

Awtomatikong naghiyaw muli ang mga tao sa labas. Rinig na rinig ko ang sigawan nila kahit na nasa backstage palang ako.

Hindi sila nauubusan ng energy tsh..

"As tonight's performance from our amazing band! Let's give a round of applause! Para naman ganahan sila!"

Napahinga ako ng malalim at lumabas sa backstage. Nakapatay ang spotlight na nasa gitna, dahilan para mapatahimik ang mga naghihiyawang tao. Hinintay ko ang senyas ni Crayden.

"In 1-2-3" mahinang senyas nya, matapos niyon ay pinatugtog ko na ang electric!

Beat it by Michael Jackson

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now