CHAPTER 23

117 69 1
                                    

CHAPTER 23

Jehridale's POV

SABADO

"Goodmorning my most beautiful ate!" pambobola ko sa kanya. Napapahiya akong nagbaba ng kamay ng hindi nya ako pansinin.

"What's wrong with you?"hindi nya ako sinagot. Sa halip ay nakahalukipkip syang nagbaba ng libro at padabog na dumiretso sa kusina. Hindi ko magawang sumimangot dahil sa tawag ni Aoko kagabi at isa pa, hindi ko na inintindi pa ang nagtext sa akin kahapon. Kinakailangan kong makalimutan iyon kahit papaano. Bagaman hindi naman kami magdadate ngayon ni Aoko ay plano ko sanang idate si Ate. Alam ko kung ano ang makakapagpasaya sa isang iyon.

Matapos kong ubusin ang pagkain ay doon ko lang napansin si Ate na nakaupo sa sofa. Salubong ang kilay habang nagbabasa ng magazine na galing pang Amerika.

"Ano yan ate?" inakbayan ko sya ng tabihan ko sa pag-upo. Hindi nya ako pinansin. SInilip ko ang dyaryong binabasa nya.

BREAKING NEWS!

THE SON OF VERA FUENTES GROUP, CRISTOFF VERA FUENTES WAS ENGAGED TO ONE AND ONLY DAUGHTER OF LACOSTA GROUP, HANABI LACOSTA!

Gulat akong napalingon kay Ate. Ex boyfriend nya kase si Cristoff noong college pa nya, isa sya sa pinakakinaiinisan ko ngayon. Ang totoo nyan ay nalaman ko na ikakasal na ito kay Hanabi noong kamamatay pa lang ng Lolo ni Shin. At dahil ayaw kong masaktan si Ate ay inilihim ko.

Nag-aalala na akong tumingin sa kanya,"A-Ate.."

Pinilit nyang ngumiti. Tila inaabsorb ang nalaman nya, alam ko na kung bakit sya nakasimangot nitong mga nakaraan, akala ko ba nakamove-on na sya psh..

"B-Bakit nga pala nandito ka Dale? Tapos ka na bang kumain?"

"Oo...ano.. yayain sana kitang lumabas Ate" malambing kong anyaya sa kanya. Bumuntong-hininga muna sya bago bumaling sa akin,"mabuti at wala kang topak?"

"Ate? Niyaya ka na nga diba? Ayaw mo yata e!"

"No! Ikaw nagsabi nyan hahahaha!"

Nahuli ko ang kiliti nitong ate ko. That's Jehnica Callevein, ang dakilang adult na teenager pa rin ang buhay nyan. Kahit kadalasan ay nakakainis na ugali nya ay hindi ko naman iyon minamasama. Sa katunayan ay pinagpapasalamat ko na kahit wala si Kuya Zein ay nariyan sya at nakaagapay sa akin.

"Bagay ba itong suot ko?" napangiwi ako ng makita syang nakadress at nakahigh heels. Kadalasan sa mga suot nya ay nakasuit na puti at slocks na puti. Anong nakain nitong babaeng ito?

"Hindi bagay ate, ampangit mo" marahas kong sagot. Ayokong masanay na naman sya sa buhay teenager nya.

"Eh ito?"

"Ate! Mamamasyal tayo sa mall! Hindi tayo pupunta sa fashion event!"

"P-Pero ito ang trip kong suotin eh!"

"Basta palitan mo yang suot mo ate! Nakakainis ka tingnan!"

Nakanguso syang nagtungo sa dressing room namin. Hindi naman sa nanlalait ako ng suot, pero kase ayoko ng napapatingin ang ibang lalaki sa kita na halos ang katawan ng babae. Maski si Aoko ay pinagbabawalan ko, eh ang kaso nakasanayan na nyang suwayin ako, ano bang karapatan ko? Manliligaw pa lang naman ako.

Samantalang si Ate Jehn ay minsanan ko lang syang lambingin kapag nahuhuli ko ang topak nya. Hindi ko na maintindihan ang mga babae tch.

Pagkalabas ng dressing room ay pinagmasdan ko ang suot nya. Nakajacket syang simple na nakagray. Hindi ko maamin pero ang cool nyang tingnan. Parang may naalala ako na astig din pumorma—napapailing ako sa sarili dahil mukhang babangungutin na yata ako!
"Okay na ba toh?"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon