CHAPTER 101

105 35 0
                                    

After 2 days...

Hanabi's POV

"S-sure po kayo Ma'am?"paniniguro ni Dani. Tinanguan ko na lang sya. For all you know, my hair was lately bald. Iyon ang hindi alam ng lahat ng nakakasalamuha ko. Hindi halata ang buhok na mayroon ako ngayon, pero kung masobrahan sa ihip ng hangin, bigla iyong liliparin.

Inayos ko ang buhok or must say, piluka (wig) bago sumakay sa kotse. Hindi ako nakapagpaalam kay Daddy gaya ng inaasahan.

"Mag-iingat po kayo.."

"Ikaw rin Dani, wag mong pababayaan ang pamilya mo, I'm sure hindi kayo pababayaan ni Daddy."

"Salamat po Ma'am Hanabi...maraming salamat po sa lahat ng naitulong ninyo.."

"Wala 'yon hehheeh, sige na. Aalis na ako.." niyakap ko pa sya bago sumakay ng kotse. Kinailangan kong hakutin ang natitrang gamit sa bahay habang abala ang Daddy sa pagpapatakbo ng kompanya. Wala syang alam dito kaya minabuti kong sarilinin ang problema ko ngayon.

Inaasahan kong pagkapunta ko sa doctor ay mag-isa lang ako, pero nagkamali ako. Nalaki ang mga mata ko ng makasalubong ko si Cristoff.

"C-Cristoff? Bakit ka nandito?"

"Makasarili ka..." rinig kong bulong nya Hindi ko makuha ang gusto niyang sabihin.

"A-Ano bang—"

"Hindi mo man lang sinabing may sakit ka?" buong pait nyang sabi. Tumunog lang ako. Hinid ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol doon.

"Ang akala ko buntis ka Hanabi, bakit hindi mo sinabing may cancer ka?"

Hinid ko sya kinibo. Nanatili lang akong nakahawak ng mahigpit sa bag ko. Paano naman nya kaya nalaman? Wala naman akong napagsabihan ah. Maski nga si Dani hindi nya alam na may cancer ako, basta lang akong nagpcheck up dahil akala nya concern lang ako sa kalusugan ko. Bukod sa akin, ang doktor na madalas kong kinukunsultahan ang nakakaalam nito.

"Paano mo nalaman na may...sakit ako?'

"Hindi mo na kailangan pang malaman" saad nya, "now tell me, bakit hindi mo inilihim ito? Alam mong ang tingin na ng lahat sa'yo ay hindi na maganda pero heto ka at inililihim mo sa sarili 'yang sakit mo, ano bang gusto mo sa sarili mo? Magpapakatiwakal ka dahil pakiramdam mo wala ka ng pag-asa—"

Paaaak!

Hindi ko napigilang sampalin sya. Paano nyang nasasabi ang lahat ng iyan sa akin ngayon? Hindi b anya alam na ito na ang huling araw ko sa mundo? May ideya man lang ba sya?

Kunsabagay, wala syang alam. Hindi ko naman sinabi kung hanggang anong oras na lang ako o kung ano pa ang posibleng mangyari sa akin. Nakakainis mang isipin pero, napakahirap tanggap ng ganito. Alam ng lahat na nasa military service na ako pero heto ako ngayon at nasa ospital. Hindi ako nagpapaconfine para hindi makahalata kay Dad. Ayaw ko ng dumagdag pa sa mga problema nila.

"Hindi mo dapat...nilalabanan iyan ng mag-isa Hanabi..." buong hinanakit na sabi nya. Nagkuyumos ang mga palad ko.

"Wag ka ng makialam pa Cristoff, please. Problema ko ito at aayusin ko ito ng mag-isa."

"Ganyan ka na ba Hanabi? Makasarili? Hindi mo iniisip ang iisipin ng ibang tao once na nalaman nilang may sakit ka huh? Sinasarili mo ang problema mo. Pakiramdam ko tuloy parang wala akong naging silbi para sa'yo."

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora