CHAPTER 28

116 66 3
                                    

CHAPTER 28

Thrianne's POV

CRISTAILLI'S CAFÉ

Nagpauna muna akong pumarito pagkauwi galing SMU. Balak ko kaseng magpalamig muna ng ulo. Kinwento ko lahat kay Yashiko ang nangyari. Maski sya ay natakot din sa ginawa ko.Pero dahil nga boto din sya sa ginawa ko ay natatawa na lang sya.

"Mabuti naman at nagulpi mo na sya, ano nagtanda naman ba?"

"Ewan ko." Kibit balikat kong sagot.

"Siguro naman magtatanda na yun, anong malay mo baka bukas magdilang anghel na ang demonyong yun diba?"

"Ewan ko." paguulit ko. Marahas syang napakamot sa mukha saka iiling iling na hinigop ang kape. Maya-maya pa..

"Baka after nun ipatawag ka na sa Dean's Office.Kilala mo naman yung lolo ni Mitch eh, mabait sobra, kaso matindi din sya magalit."

"Kaya nga huli na iyon diba?"

"Anong huli?"

"I mean, huli ko ng ganti sa kanya, kasi sawang sawa na akong gantihan sya, alam mo yun? Naggagantihan lang kami noon, tas napagisip-isip ko nitong nakaraan na itigil ko na, baka sakaling huminto."

"Ohh huminto ba? Diba hindi? Binasag pa yung biniling gitara sayo ng Lolo mo, ano ba kasing nangyari?!"

"Ganito kasi iyon, kilala mo ba si Alomira Kolette? Nung araw na sinita mo si Chelsea na bumalik sa trabaho?"

"Hindi eh"

"Yung katabi ni Hades, yung babaeng maganda"

"Hindi ko nakita eh"

Tangina talaga...naibulong ko na lang sa sarili..

"Kasi nga yun yung nililigawan palang pala ni Hades,nung nasa birthday party din ni Shinichi nandun din sya"

"Ah!! Naalala ko na! Oh tapos?"

"Kahapon kasi nung nasa gym sila ni Vianca nag-aaway silang dalawa"

"E di sumingit ka ganon?"
"Oo"

Napaawang ang labi nya,"Ay pambihira ka naman, oh tapos?"

"Tapos nung ikalawang beses pang sasaktan sana si Alomira doon ko na sya inawat. Parang gusto nya talagang saktan, mukhang baliw na baliw kay Hades ang isang yon"

"Hala sya!"

"Then nakita ni Hades na tinulak ko daw si Aoko kahit hindi ko naman yun ginawa. Kamalas-malasan talaga, kasi nung mga oras na yon tinulak ko talaga si Alomira para hindi na sya mahawakan ni Vianca."
"Lampa ang babaeng yon teh, malay mo nag-aacting para magalit sayo ang demonyo!"

"Napansin ko rin yan, noong isang araw kasi nung nabangga ko lang si Aoko bigla na lang nya akong sinampal nun, kung ano-anong pinagsasabi nya, tas kahapon nag-aaway na sila? Weird"

"So nung nahuli ka sa aktong tulak tulak moment, siguro yun yung naging dahilan para basagin yung gitara mo ano?"

"Oo nga, tch nakakainis"

"Oh anong plano mo sa gitara mo? Asan na yun ngayon?"

"Tinapon ko na"

"What?!"

"Tinapon—"

"Wag mo ng ulitin girl! Bakit mo itinapon eh pwede namang ipaayos iyon! Ogag ka!"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now