CHAPTER 80

89 39 6
                                    

CHAPTER 80

Timrelli's POV

-PANGYAYARI SA KASALUKUYANG NAGANAP KAY JEHRIDALE-

Nakauwi man ako ng ligtas ay hindi ako mapakali. Nasa tapat na ako ng bahay namin pero hindi ako makapasok,hindi ko magawang pindutin ang door bell. Nanginginig ang buo kong katawan. Nagsisimula nang gumalaw ng kusa ang mga paa ko palayo sa gate.

"I-I would rather face this than to escape...."wala sa sariling naibulong ko. Naglalakad ako na parang wala sa katinuan. Masisiraan yata ako ng bait sa sobrang pag-iisip.

Hindi naman ako ganito noon. Marahil masyado kong sineseryoso ang sitwasyong ito. Nakakainis. Wala akong magawa para dito.

Habang naglalakad ako ay Nakaramdam ako ng vibration sa bulsa ko

This is it..

Halos nangangatal ang mga kamay ko habang kinukuha ko ang phone.

From the unknown number:

-BUILDING SUPREME CASTLE, FIND RHEA'S FLOOR-

O_O

Supreme Castle? Saan ko ito makikita?

Hindi pamilyar sa akin ang building na tinutukoy rito. Pero ganon pa man, pinili ko na lang na maglakad-lakad, baka sakaling makita ko ang sinasabi dito.

Mahigit 1-2 oras ko ng nilalakad ang buong lugar na ito malapit sa village namin ay wala akong makitang kahit na ano. Maski sa mga kalapit na mall. Wala akong makitang Supreme Castle na pangalan ng building. Pasado alasingko pa lang naman ng hapon pero daig pa ang gabi na kalimitan dapat maraming tao sa daanan.

Kataka-taka ang katahimikan ngayon sa paligid. Papasok ako sa kung saan man itong kalye na mukhang may pasikot-sikot pa sa loob nito. Para akong maliligaw. Hindi ko kayang pumasok sa hindi pamilyar na lugar pero...wala naman masama kung aalamin ko ang daan na ito.

Ang mga establisyemento dito ay lubhang nakakakilabot. Para itong ghost town. Walang kakulay-kulay, wala ring katao-tao. Habang pinagmamasdan ko ang paligid ay nakarinig ako ng mga kaluskos na natitiyak kong galing sa mga papel na nagkalat sa kalsada. Ilang saglit pa ay may lumipad na papel at napadikit ito sa aking braso.

Itatapon ko na sana iyon ng maaninag ko ang mga guhit sa loob nito. Binuklat ko ng dahan-dahan ang papel.

-2 km, Diretso pakanan, lingon sa itaas, white painted building, 10 floors, 70 rooms

O_O

Dalawang kilometro? Anong ibig sabihin nito? Dalawang kilometro mula dito? Paano nalaman ng kung sino na nandito na ako?

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Posibleng may nagmamanman sa akin na hindi ko nakikita. Maaaring isa sa mga building dito ay inukopahan nila, pocha. Kung marami sila ay wala akong laban. Limitado lang ang lakas na mayroon ako.

Muli kong sinilip ang papel. At sa dulo niyon ay may maliit na sulat dito na sinadyang paliitan para mahirap pa akong basahin iyon.

-10 minutes left...

O_O

O-Oras?! Inooras ba nila ako?!

Napakagat labi ako. Kailangan ko ng magmadali. Hindi ko alam kung bakit dinaluhan ako ng takot pero...pakiramdam ko kailangan kong gawin ito. Kailangan kong suungin ang panganib para lang masawata na ang kalokohang ito.

Sinunod ko ang nakasulat sa papel. Nilakad ko ang dalawang kilometro pa,dumiretso at kumanan. Nag-angat ako ng tingin sa itaas at—

SUPREME CASTLE

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now