CHAPTER 83

87 35 11
                                    

CHAPTER 83

Allison's POV

"Bakla! Hintayin mo naman ako!" hingal hingal kong sabi. Huminto nga si Pringles at gaya ng inaasahan ay tinarayan nya ako. Ah yeah tumatakbo kami na ewan. Hay nako, palagay ko nahawaan na ako ng kaweirdu-

"Ngayon ka pa kumupad Ali? Palibhasa hindi ka nagdidieta!"

"Manahimik ka nga bakla! Mapayat ako pero hindi talaga ako sanay tumakbo!"

"Tse!"

"Maabutan pa kaya natin sila Timrelli?"

"Gaga ka, hindi mo ba sya natetext?"

"Hindi eh"

"Hay nako! Alam mo bang absent sya!"

"A-Ano? Bakit?"

"Aba ewan!"

"Dapat alam mo"

"Hala sya, hindi ako stalker ng mga boylet Allison! Halika na, kumain na lang tayo"

"Okay"

Pumunta na lang kami ng canteen. Nagorder na si Pringles ng makakain, samantalang ako nakatingin lang sa mga dumarating.

Tama nga sya. Absent nga si Timrelli. Apat na lalaki na iyon lang ang pumasok ngayon.

Wala akong nagawa kundi ang kumain habang malayo ang isip. Hindi talaga ako mapakali. Hindi ko naman pwedeng itanong sa mga kaibigan nya dahil alam ko kakuntsaba nya ang mga yan.

Tinawagan ko ang boyfriend ko ng ilang beses pero hindi sya sumasagot. Hindi ko maiwasang mag-alala. Gustong gusto ko pa naman sanang magpasama mamaya. Pupunta sa England ang parents ko mamaya, tapos hindi ko man lang sya matawagan.

Hindi ko naririnig ang mga pinagsasabi ng kaibigan ko. Para akong wala sa sarili.

"Hi"

O_O

Nag-angat ako ng tingin. Si Senior Adrian pala, anong ginagawa nya dito?

"Senior! Dito po pala kayo hihihih"

"What's wrong?"

"Ah ito kasing boyfriend nya hindi daw pumasok, naku kung alam nyo lang nag-aalala ang babaeng ito sa boylet!"

"Natural lang sa akin ang pag-aalala bakla! Ah eh pasensyahan nyo naitong kaibigan ko at single kasi eh—"

Mahina akong hinampas ni Baklang pringles. Sinamaan ko sya ng tingin.

Kapansin-pansin ang biglang pananahimik ni Senior. Pakiramdam ko parang may alam sya kung nasaan si Timrelli. Pero pinili ko na lang na hindi sya usisasin. Dahil alam ko naman na hindi nya sasabihin.

"I-I got to go, see you again" nakangiting pilit nya. Kumaway pa ito sa amin habang naglalakad na sya papalayo. Nagkatinginan na lang kami ni bakla. Nababasa ko sa mukha nya na naweweirduhan sya sa iniasta nito.

"Sya ang girlfriend pero hindi nya mapuntahan ang boyfriend"dinig kong bulungan ng iilan. Napakagat labi ako.

"Puro kasi kaligayahan ang alam eh, kaya malamang walang alam sa lovelife"

"Kamo gusto magshopping na lang kasama ang sikat na si Timrelli, alam nyo naguguluhan talaga ako kung bakit sya pa ang nagustuhan, eh pwede namang iba diba? Mas marami pang mga simpleng girls and mas magaganda kaysa sa payasong babae na iyan eh"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon