CHAPTER 24

117 66 4
                                    

CHAPTER 24

KINABUKASAN

Allison's POV

"Are you sure anak?" paniniguro ni Mommy sa akin. Tumango-tango pa ako para mahinto na sya sa pagtatanong. "oh sige, basta magiingat ka. Wag mong pababayaan ang sarili mo ah"

"Opo mommy! Ingat po kayo!"

"Wag mong pababayaan ang studies mo, gusto kong maging hukom din ang apo ko pagdating ng araw ah" pahabol na bilin ni Dad. Napaismid si mommy sa kanya.

"Para namang minamadali mo ng mag-asawa itong anak natin"

Natatawang sinulyapan ni Dad si Mom, "Hindi naman, unahin mo pa rin ang pagtatapos mo ng pag-aaral ha?"

"Opo Dad!"

"Halika na nga hon, baka kung saan pa mapunta na naman yang pag-aapura mo" hinila na nya si Dad patungong kotse.

"Ingat po kayo!"

Nginitian nila ako bago sila tuluyang umalis. Nakangiti kong diniligan ang mga halaman ko bago ko inayos ang mga susuotin ngayong araw. Masaya ako ngayong araw, nagkaayos na kasi kami ni Timrelli kagabi, ang lalaking iyon, seloso eh. Masyadong sineseryoso yung feelings ko kay Senior. Pero... hindi ko man aminin ay parang hindi ko pa rin maintindihan kung may nararamdaman pa ako sa lalaking iyon. Ang tanging alam ko, opportunity ko na ito para makalimutan sya.

"Goodmorning bakla!" binati ang baklang ito na kanina pa nakasimangot. Nag-aalala akong tumingin sa kanya."anong ganap sayo? Para kang binagsakan ng lupa sa mukha ah"

Inirapan lang ako, "I hate you na Allison, may hindi ka kinekwento sakin!"

Napangiwi ako, "Ano na namang drama yan bakla? Wala naman akong hindi naikekwento sayo ah!"

"Mayroon shoba! Akala mo sakin ulyaning ulikba?! Kelan ka pa nagkaroon ng jowakis?!"

Nagulat ako sa tanong ni Pringles, hindi ko pa naikwento sa kanya? Ang alam ko naikwento ko na sa kanya yun eh.
"Naikwento ko na sayo yan ah"

"Ah talaga?! At ito pa ang nasagap kong chismis! Si Timrelli Louis Chavez pa ang nabingwit mo! Nakakaloka ka! Alam mo bang big news yan ngayon dito teh!"

"Ngayon nyo lang nalaman? Naku hahaha! One week na kaya kami—"

"Oh diba?! Echoserang koreana toh! Hindi man lang nanlilibre pagkatapos ng bonggang rebelasyon mo! Nakakainggit ka naman! Naku minsan nga manghihiram ako ng ganyang kagandahan!"

Natawa ako sa baklang ito. "Hindi mo mahihiram ang mukhang ito! Hindi ako papayag! At saka bat ako manlilibre, kuripot ako remember?"

"Oo na! Babaeng toh! E di ikaw na maganda! Tse!"

Natatawa akong naupo sa upuan. Ang mga tingin nila sa akin ay nanunuya. Parang hindi yata nila tanggap ang balitang iyon ah. Napansin kong wala pa sina Rangie at Lein.

Nag-umpisa na ang klase. Nagtataka akong lumilingon sa likuran ko. Bat absent silang dalawa?

Knock knock—

"G-goodmorning sir" bati ni Rangie. Napalingon kaming lahat sa kanya.

"Oh? Why are you late?"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now