CHAPTER 16

133 76 6
                                    

CHAPTER 16

Shinichi's POV

"Is that true?" nakakunot noong tanong ni Dale sa akin habang nakaupo na kami sa upuan. Nakahalumbaba lang ako sa kung saan."tell me Shin, totoo bang namatay na ang Lolo mo?"

"Yes" nanghihinang tugon ko. Malamang ay naiannounced na ito nila Daddy kaya naman ganon kabilis kumalat ang balita.

"Are you alright? Tell me?"

"I..I'm ok I guess?"

"Dadalaw kami mamaya... sabihin mo lang kung anong kailangan mo."pag-aalalang sabi ni Dale. Nasa ganong sitwasyon kami ng pumasok na sa room si Airon.

"Condolence"

"T-Thanks"

"Jehridale, I guess Shin wants to be relaxed"

"So?"

"A-Anong so? Hindi mo man lang ba itetreat?"

"Ano? Ano ko sya girlfriend?"

"Hay, girlfriend lang ba ang pwedeng itreat? Fuck"

"S-Sige na nga... Shinichi, let's go"

Hindi ko na magawang tumanggi dahil mukha ngang kailangan ko iyon. Alam ng mga kaibigan ko ang gusto at kailangan naming gawin kung talagang hindi maiiwasan ang lungkot. Nagkasabay sabay ang problema ko sa linggong ito.

"Una ay yung sa parents mo, sunod ay kay Hanabi tapos ngayon sa Lolo mo pa? Tsk tsk... hindi ko na alam kung paano kita matutulungan na mapagaan ang loob mo Shin.." alalang sabi ni Dale habang napanguso. Nagpasya muna kaming bumaba sa canteen para bumili ng makakain. Wala pang ganong estudyante dahil alasingko pa lang naman iyong ng umaga.

"You don't have to do that Dale, sapat na sa akin na nakakausap nyo pa ako hahah" pilit kong magbiro.

"Ang pangit mong magbiro, nahahalata talagang may problema ka. Nakita ko nga pala yung sa magazine, yung kay Hanabi, she was engaged?"

Nag-iwas ako ng tingin. Iniiwasan ko na ngang marinig ang pangalang iyon. Ang pangalang sumira sa tiwala ko. Nanghihina akong napatingin kay Dale. Naihilamos nya ang kanyang mukha.

"O-Oh... sorry, hindi ko na dapat pinaalala tsk"

"It's ok, haha..."

"Anyway, baka may gusto ka pang kainin? Ibibili kita"

"Thanks, pero ok na, I think it's enough"

"Halata siguro sa mukha ko na nagugutom ano? Grabe ka kase magapproach dyan, nakakabigla ka"

"Why not? Ang problema ng isa sa atin ay problema ko na rin, madali lang sa aking mahalata ka, mas matagal na yata tayong magkaibigan hahaha!"

"Yeah, sya nga pala, kamusta na kayo ni Aoko? Mukhang inspired ka ah"

"Hehehe, kilala mo na talaga ako ah" namulang aniya. Napapailing ako sa kanya.

"Oh... can I ask you a question?"

"Hmm?"

"Paano kayo nagkakilala nung babae? Yung sa kahapon?"

Napangiwi sya at natahimik.

"N-Nung Wednesday..."

"Ha?"

"Noon pang Wednesday, nagkakilala na kami"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Onde as histórias ganham vida. Descobre agora