CHAPTER 18

116 75 1
                                    


Chapter 18


Thrianne's POV

"Pasensya ka na kay Dale.." sinserong ani ni Shinichi. Kasalukuyan kaming nasa music room. Talagang hindi nya ako iniwan. Parang wala lang yung sinabi ko kahapon. Pero ok na din, para may makausap na matino.

"Hindi ko na sya kilala.... hindi ko akalaing magagawa nya ang ganito sayo ngayon." pagpapatuloy nya.

Marahas kong bumunting hininga, "Apology rejected..." gulat syang lumingon sa akin. Nakatalikod kase syang nakaupo sa tapat ng xyclophone.

"hindi ko basta-basta pinapatawad ang isang taong may malaking kasalanan sa akin, pwera na lang kung... kaya nya akong patumbahin" walang kaabog-abog kong sabi. Totoo ang sinabi kong iyon. Hindi ako basta-basta nagpapatawad. Lalo na kung si Hades ang may kinalaman.

"P-Pero..." hindi na nya naituloy Ang pagsasalita.Nanaig ang katahimikan sa amin. Pagkakataon ko ng magtanong.

"May itatanong ako"

"Ano yun?"

"Nung birthday party mo, inimbitahan mo ba si Dimples at Chelsea?"

"Hm...oo, kase si Dimples kaklase ko sya noong 3rd highschool pa lang ako non, then si Chelsea naging kaklase ko naman sya noong 4th year. Why did you ask?"

Tch andaming sinabi..

"Nakita mo ba sila?"

"Hindi eh, nagtataka nga ako kase hindi sila pumunta, samantalang noon naman hindi nila pinalalagpas yung araw ng birthday ko"

Hindi ko maipaliwanag ang panghihinang naramdaman ko. Nagbaba ako ng tingin at lumaylay Ang mga balikat.

"B-Bakit?"

"Alam mo bang....patay na sila?"

Nanlaki ang mga mata nya," A-ano?!"

Sa halip na sagutin sya ay itinuon ko ang sarili sa pagdampot ng gitara. Prente kong pinitik ang string.

"Nahukay sila sa bandang village, kahapon yun.."

"P-paano sila--"

"Sa totoo lang ay hindi ko pa alam, sa ngayon ay inaalam ko ang katotohanan..."

Nilingunan nya ako." Wait, kilala mo ang dalawang iyon?"

"Oo, as I told you last Saturday, taga-NMU ako noon, naging kaibigan ko ang dalawang iyon." maikiling paliwanag ko.

"Kung sino man ang may gawa nito... pagbabayaran nya ang lahat..." ang diin ko sa mga katagang iyon ay may halong pagkagalit. Hindi ko Alam Kung ano at bakit nila ginanito Ang mga kaibigan ko. Wala man Lang akong magawa para iligtas sila.

Tch, noon Lang ako naging pabaya dahil akala ko ay wala ng bwiset na mangyayari...

"Ahm...would you mind if I can tell it to my friends?"

"No, wag" tanggi ko. Dahil kapag nalaman nila Ang nangyari baka mas lalong lumala Ang lahat. Kinampay ko ang aking mga daliri sa gitara at Kung ano anong tunog Ang nililikha. Para akong tuliro noong mga oras na iyon. Hindi ko maisip kung ano ang magaggawa ko sakaling malaman ko pa Ang higit na katotohanan doon. Pakiaramdam ko ay may susunod pang mangyayari.

Habang nasa ganoon kaming sitwasyon ay may kumalabog na tunog sa pinto. Sa pagkagulat ni Shinichi ay agad syang sumilip doon.

"Jehridale?!"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon