CHAPTER 71

104 45 1
                                    

Thrianne's POV

Nang madakip na namin si Smokey at ang punyetang kasama nya ay hindi na ako sumadya sa presinto. Ayaw kong makita ang bwiset na inspector doon. At isa pa, inuunti unti ko ang pagkilala sa mga messenger ng Faltimony. Hindi ko kinakalimutan na mayroong traydor sa hanay ng pulisya.

Inihatid ni Mitch ang mga criminal sa loob. Nakaupo naman si Yashiko sa motor habang naninigarilyo.

Habang ako ay nakatayo nang nakapamulsa habang tinatanaw ang kadiliman.

"Kil"

"Hmm?"

"Sinabi mo noon na hindi ka na magpaparamdam sa mga kalaban mo. Pero bakit ganon? Kabaliktaran iyon ng pinangako mo"

"Akala ko nga din eh"

"Hindi ko maintindihan. Bakit mo ginawa 'yon? Dahil ba ito sa nangyari kila Chelsea?"

"Oo"

"At hanggang ngayon sinisisi mo pa ang sarili mo?"

"Oo"

"Tsk, wala ka namang kasalanan simula't sapul Kil, ang mga hayop na iyon ang gumawa, wala kang kinalaman dito"

Hindi ako nakakibo. Paglabas ni Mitch ay humingi ito ng sigarilyo kay Yashiko. Naalala ko noon, ako ang nag-aya sa kanila sa ganitong bisyo, pero ako na ang naunang huminto.

"May lagnat pa ba si Rangie?"

"Oo"

"Tsk, sana gumaling na sya-"

"AYieee concern si Yashibabes!!"

"Ulul! Pakyu ka Mitch! Hindi ako concern! Wala man lang tumutlong kay Weng eh, kawawa naman yun"

"Tss" angil ni Mitch. Lihim na lang akong natawa. Ganito kami. Kapag may nalutas kaming kaso o nakahuli ay nag-uusap kami na parang wala lang. Madali lang sa amin ang lahat. Ilang minuto pa ang tinagal ng pagtambay namin.

"Uwi na ako. Kailangan ko ng makapagreview"

"Okay! Kanino ka sasabay?"

"Syempre e di sakin! Sakin sassabay si Kil!"

"Taksil!"

"A-Ano?!"

"A-Ang sabi ko pareho kayong taksil! Psh, makaalis na nga! Nasisira na tong buhok ko kakarebond ko lang eh!"

Bumuntong hininga na lang ako. Mas iniisip pa pala nya ang buhok kaysa kay Mitch.

"Topaking Yashiko, tara na nga Kil! Hehehhee"

"Geh"

Pagkahatid sa akin ni Mitch ay nagfist bump muna kami.Pumasok ako sa bahay at napaupo ako sa sahig. Inubos ng galit ko ang lahat ng lakas ko kaya Siguro ay hapong hapo ako.

"Kamusta po lakad ninyo Ate?" salubong ni Weng. May dala-dala na syang mangkok na may pagkain, alam nya kung anong paborito kong kainin. Inistretch ko ang likod at saka humarap sa kanya, "ayos naman"

"Hmm...nahuli nyo na?" tinutukoy nya si Zichron. Tumango ako habang diretsong nginunguya ang isang piraso ng buntot ng pritong tilapia.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now