CHAPTER 89

103 38 4
                                    

Rin's POV 

My first time point of view here, well I don't care. *sabay irap*

Habang nasa loob na ako ng office namin ay biglang pumasok si Prof. Cieli. Nakapamaywang na ito habang masama itong nakatitig sa akin.

"What do you want?" masungit kong bati sa kanya. Inialis koa ang paningin sa kanya dahil marami pa akong kailangan gawin.

"Talagang wala ng mas mailalala yang fiancé mo ano?!"

Inikot ko ang swivel chair sa kanya, pareho kaming nagtaasan ng kilay, "I don't know what you're saying"

"Hay nako, oo nga pala at wala kang kalam-alam sa nagaganap, well, ang fiancé mong takaw sa gulo ay suki na naman ngayon ng gulo"

O_O

"W-What?!" gulat akong tanong dito. What the hell is she saying? Sangkot na naman ba si Kil sa gulo?! No. No way.

"Eh bakit hindi mo silipin ng maniwala ka?"

Katulad ng isnabi nya ay pumaroon nga ako. Hindi ko maiwasang mag-alala sa nangyayari. Katatawag ko lang naman sa kanya dahil hinahanap namin si Rangie.

Sinundan ko ang mga nagkakagulong mga estudyante mula dito sa hallway.

"Grabe ang galit ni Thrianne kanina, para syang toro"

"Nakakatakot nga eh, parang lahat susuwagin nya once na banggain mo sya"

"Ano kayang nangyari? Bakit ganon na lang galit nya kay Vianca?"

"Dinamay pa nga nya si Aoko my god!"

O_O

Napatakip ako ng bibig saka nagmadaling magtungo sa Dean's Office. I have to find out what's really going on.

"Kanina pa sila sa loob ng office Prof. Rin" nakahalukipkip na saad ni Prof. Cieli, "siguradong expel ang abutin ng fiancé mo ngayon"

"And do you think it might gonna happen?"

"Ha?"

"Tsh," napangisi ako, "I'm not gonna let this happen Cieli"

Nagugulat lang syang lumingon sa akin.

"P-Professor Rin! Professor Rin!"

"Wendevian.." sinalubong ko ang papatakbong binatilyo papunta sa amin.

"Nasaan po si Ate Michaendra?"

"Huh?"

"Hindi ko pa sya nakikita sa buong campus, kanina ko pa sya hinahanap—"

"Let me go! I said let me go of you bitch!!!"

Umalingawngaw ang boses ni Vianca dito. Kaagad kaming nilingunan sya.

"Ano bang nangyari?" si Cieli.

"Nagkaroon po kasi ng alitan sa kanila ni Vianca"

"Sabi ko bitawan mo ako!"

Mahigpit na niyakap ni Michaendra ang dalawang kamay ni Vianca kaya naman halos mapaaray na ito sa sakit.

"H-Hoy—"

"What are you doing?"

"Pipigilan ko sila! Alangan namang hayaan ko—"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now