Capítulo Veintitrés

2.5K 41 0
                                    

MALIIT NGA TALAGA ANG MUNDO.

Sa dinami-rami ng tao sa mundo, hindi naman aakalain ni Natasha na isa sa mga kaibigan ni Marcos ang ama ng anak na tinutukoy ni MJ. And it's Jake Natividad! The known to be superstar and heartthrob soccer player ng bansa. Kamakailan lang niya nalaman na soccer player pala ito. Ano namang malay niya kasi sa soccer 'no?!

Kaya pala halos mabali na ang batok niya sa kakatingala rito nu'ng kasal ni Rigo at Sam. Paano ba naman kasi, ang tangkad nito!

"How come you two knew each other?" si MJ ang unang nagsalita.

Shocked pa rin siya, same as Jake. Nagpakurap-kurap pa siya ng mata para malamang hindi siya dinadaya nito. It's really him! Hindi siya makapaniwala!

Jake cocked his head. "Nothing intimate, M." wika nito bago pinulot ang pantalon.

"Paano nga?" ulit na tanong pa rin ni MJ.

"Because of Marcos." sagot naman nito habang isinusuot ang pantalon.

"What? Anong mayroon sa inyo ni Marcos?" baling na tanong ni MJ sa kanya.

Binalingan niya rin ito ng tingin na may malalim na kahulugan.

"Shit!" natutop nito ang bibig nang ma-realize ang ibig sabihin ni Jake.

"Siya si Mr. Complicated?!" gulat na tanong pa rin nito na kinataas kaunti ng boses.

Tasha nodded. "Ang gagong 'yun! I can't believe this!" pumameywang pa na tila talagang 'di makapaniwala sa natuklasan.

"Mr. Complicated?" di makapaniwalang tanong ng lalaki.  "Hanep rin kayong mga babae, a!" tatawa-tawang palatak ni Jake. Nakabihis na ito ngayon. "Kung 'di tukmol ang tawag sa'kin nito," turo nito kay MJ. "Ikaw naman, Mr. Complicated ang tawag mo kay Marcos?" turo rin sa kanya ni Jake.

Binato ni MJ ng tsinelas nito ang binata. Kaagad rin namang nasalo iyon ng lalaki. "Tumahimik ka nga diyan! Buwesit ka!"

"What?" tatawa-tawa pa ring hawak ang tsinelas. "Hindi ko lang talaga mabasa ang isipan ninyong mga babae!"

"Oo! Talagang hindi mo mababasa ang nasa isip namin! Kasi ikaw, puro ka tusok! Tusok ka lang ng tusok! Wala kang ibang alam gawin kundi tusok!"

"Para namang 'di ka nasarapan sa pagtusok ko! Umuungol ka pa nga sa sarap ng pagtusok ko sa'yo, e!"

Saglit itong natigilan sa banat ng binata. Sinugod nito si Jake ng hampas at sabunot."Leche ka talaga, Natividad!"

Sinasalag naman ni Jake ang hampas at sabunot na natatamo mula kay MJ. Parehas silang tatlong nagulat ng paluin ng tsinelas ni Jake ang puwitan ng ate MJ niya.

"Walanghiya ka! Lumayas ka rito!" singhal ni MJ.

Bago pa man masabunutan, mabilis ng tinakbo ng binata ang pintuan. "Bye, Tash!" habol pa nitong sabi bago makalabas ng pinto.

Namumula naman sa inis si MJ. "Leche talaga ang tukmol na 'yun! May araw rin siya sa'kin!"

Rinig pa niyang palatak ni MJ bago siya pumasok ng banyo.

"CHIKA TIME, mah-friend!" tukso sa kanya ni Khai pagkaupong-pagkaupo nito sa tabi niya. Ngayon lang niya talagang sinumpa ang sitting arrangements!

"Akala mo talaga makakalusot ka sa'kin 'no?" wika pa nito sabay lapit ng upuan nito sa sa kaniya. "Well, flash news! Walang pangyayari sa buhay mo ang hindi ko puwedeng hindi malaman! Now, make kwento!" she giggled.

"Wala naman akong iku-kuwento." tanggi niya.

She scoffed. "Huh! Do you really dare to keep a secret from me, huh?" nilapit nito ang mukha ng kaunti sa kanya. "Pinuntahan mo lang naman si Sir Marcos kahapon sa ospital. Now, do you expect to believe your 'wala naman akong iku-kuwento'? Hmm?" she said in a low tone, slightly lift her right eyebrow at her.

Tasha fake a smile to Khai. "And do you expect me to tell you about what happened, to a somewhat– virgin like you, mah-friend?"

"Ay! Grabe siya! 'Di ikaw na may dilig."
sabi nito na may ngisi sa labi. Nagkatawanan silang dalawa.

"Anyway, hindi naman 'yun 'yung tinutukoy ko. What I mean is kung ano na bang status n'yo? Label ganern!" malamlam siyang tinitigan ng kaibigan.

"Kasi 'di ba, you two–" pinagdikit pa nito ang magakabilang hintuturo. "–did it many times na? And I'm sure! Ginawa na naman ninyo 'yun kagabi!... I mean, like, are you two are in a relationship or somehow–fubu, you know?" dahan-dahan at may ingat pang litanya ng kaibigan.

Hindi siya nakasagot. Umiwas siya ng tingin sa kaibigan. She don't know. She don't have any idea what she and Marcos hav.

"Hindi ko rin alam, Khai." she let a heaved sigh.

"Don't get me wrong, Tash. But I think it's the time for the both of you to clear things. You two should talk about this. Matagal-tagal na rin kasi 'tong nangyayari sainyo e. I'm just concern to what might be the result of all this, friend."

Ginagap niya ang kamay nito. "Thank you, Khai. Grateful talaga ako na naging magkaibigan tayo."

"You're welcome." sabi nito saka siya niyakap, niyakap rin naman niya ito pabalik.

"Tash, alam kong nagju-jogjogan kayo ni Sir M. But I wish, sana hindi nasamang naalog 'yang utak mo sakali mang masaktan ka, ha? H'wag kang gagawa ng kahit na anong katangahan. Please lang!"




FIVE PM na ng matapos ang klase nila. Nauna ng lumabas si Khai kanina ng classroom. May dinner date daw kasi ang family nito. Siya naman ay dumiretso muna ng office ni Marcos. May pinakuha kasi itong flashdrive sa office nito. May susi naman siyang pinahiram nito kaya malaya siyang nakapasok. Pero bago 'yun hinintay muna niyang kaunti na lang ang mga estudyanteng dumaraan.

Pagpasok niya ay kinuha agad niya ang flashdrive na tinutukoy nito at lumabas na.

Napatili siya nang pagkalabas niya ay bunangad sa kanya ang mukha ng isa sa pinakatatakutang professor ng department nila. Sabi ng iba ay sobrang terror raw nito kaya lahat ng estudyante ay ilag rito. Isang sem lang naman niya itong naging professor kaya hindi niya masyadong naramdam ang pagka-terror nito.

"Good afternoon, Miss." anito na titig na titig sa kanya. Wari bang hinihintay talaga siyang lumabas mula sa office ni Marcos.

"G-good afternoon rin po, S-sir Escolar." nakagat niya ang kanyang labi.

"You are?"

She secretly inhaled. "L-lacsamana po. Junior."

Tumango-tango ito. "What are you doing inside, Miss Lacsamana?"

Isip, Natasha. Isip!, nanginginig na siya sa takot pero hindi niya iyon pinahalata sa kaharap.

Marahang tumikhim siya. "A-ahm.... may namali po kasi akong s-seatwork na naipasa kay Sir Evangelista po, Sir. That's why I went on to check it."

She don't think he will buy that excuse but bahala na talaga si batman!

"How did you manage to get inside?" tanong pa nito.

If really looks could kill she'd be dead meat by now!

"N-nanghiram po ako ng susi kay Mang Nilo." tukoy niya sa caretaker ng department nila. She just wish na lumipas muns ang mga araw bago magkita ang dalawa.

"I see." anito. Dahan-dahan itong lumayo sa kanya. "Are you that close to Sir Evangelista, miss Lacsamana?"

Her eyes widened a bit. "P-po?"
Nauubusan na talaga siya ng ira-rason. "W-wala naman po yatang ka-close na e-estudyante si Sir Evangelista."

Kumibit-balikat ito. "Who knows?"

Tumango-tango siya.
Napahinga ng malalim si Natasha ng tahimik na itong tumalikod. Nanginginig pa rin siya sa kaba habang naglalakad. Marahan niyang ikinisi ang sarili para kahit papaano ay mawala iyon.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon