Capítulo Treinta y tres

1.9K 37 1
                                    

HEZEKIAH WAS MARIEMIEL'S step-brother.
Iyon ang pagkaklaro ni Marcos sa kaniya.

Before leaving, she saw how Marcos hugs Mariemiel. And how Mariemiel laid her eyes on him. It's visible that there's no romantic sentient happening between the two. Kahit ang paghalik ni Mariemiel sa pisngi ni Marcos ay isang halik ng pagkakaibigan. Marcos said that they're best of friends since high school. Marahil parehong gusto ng dalawa ang mas isalba ang friendship kaysa magkasira.

Magaang ngumiti si Mariemiel nang balingan siya nito ng tingin. She even mouthed a 'thank you'. Mas minabuti kasi niyang maghintay na lang sa loob ng sasakyan dahil nahihiya siyang harapin ito.

Gagap ni Marcos nang isang kamay nito ang kamay niya habang ang isang kamay ay nagmamaneho. Tahimik lang siyang nakatingin sa labas, madilim na at mag-a-alas diez na rin kasi ng gabi.
Nasa malalim na naman siyang pag-iisip. Hindi niya kasi maintindihan.

Anong ibig sabihin ng 'thank you' ni Mariemiel? Dapat nga sinampal o sinabunutan siya nito kanina, hindi ba?

Noong nagpunta ito sa bahay ni Marcos nakitaan niya agad ito ng pagmamalaki at kamalditahan. Kaya nga siya nanatili na lang sasakyan dahil natatakot siyang baka sugurin siya nito.

"Malapit na tayo, love." Pinisil nito ang kamay niyang gagap nito.

Napakislot siya, kung kanina ay kabado siya sa paghaharap nila ni Mariemiel, ngayon naman ay sa abuela nito.

She exaggeratedly exhaled.

"Hindi ka na puwedeng umatras," anito bago ipinasok ang sasakyan sa isang malaking de-bakal na gate. Naka-ukit sa tuktok niyon ang 'Hacienda Evangelista'.

Pinagsalikop niya ang mga kamay nilang dalawa. Parang bigla siyang sinakitan ng tiyan at umurong ang pang-upo niya.

Limang minuto pa bago niya natanaw ang isang baroque ngunit may kaunting timpla ng mid-century modern na mansiyon. May harding hindi kalakihan ngunit napapamulitian ng iba't-ibang bulaklak. Para iyong nagkikislapan dbahil sa tama ng ilaw na galing sa labas ng mansiyon.

Itinigil ni Marcos ang sasakyan malapit-lapit sa hardin. Mas lalo siyang kinabahan nang matanaw ang isang matandang babaeng nakatungkod sa pasilyo ng mansion.

Binatawan ni Marcos ang kamay niya dahil kinalas nito ang sariling seatbelt. Lumabas ito ng sasakyan saka umikot sa passenger seat. Binuksan nito ang pinto saka nakangiting inilahad ang palad sa kan'ya.

"Let's go, love. Mamala's waiting."

Humigpit ang hawak niya sa seatbelt. He maybe saw the hesitation in her eyes kaya dumukwang ito at ito na mismo ang nagkalas ng seatbelt niya. Marahan nitong dinampian ng halik ang labi niya.

"H'wag kang kabahan. I'm here."

"Señorito Marcos." Tinig nang isang matandang lalaki ang nagpatinag sa titigan nila.

"Manong Guds," anito bago siya inalalayang lumabas mg kotse.

"Oh! Sin-o man ning upod mo, sir? Ka-guwapa man," bulalas ni manong Guds sa lenggwaheng pamilyar din naman sa kaniya. (Sino itong kasama mo, sir? Ang ganda naman.)

"Miga ko, 'nong." Uminit ang pisngi niya sa sinagot ni Marcos. (Girlfriend ko, 'nong.)

Ang sarap sa tainga ng accent nitong Hiligaynon!

Malawak na ngumiti ang matanda saka siya binalingan. "Mayong gab-i, señorita."

"A-ah, Tasha na lang po manong Guds," nahihiyang sabi niya.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon